Chapter 14

1.7K 53 1
                                    


"Nanalo kami!! Nanalo kami!" Sabi ni Shaine habang nakaupo akong nakatulala na wari'y hindi makapaniwala sa nangyayari.

Bigla akong tinayo ng dating Guinoong Lakandula na si Hiro na ka-year level ko ngayon.

"Congrats, bro! Sabi ko sa'yo gwapo ka din eh.." sabi niya sa akin habang ibinibigay ang hash na nakasulat ang title ko as Guinoong Lakandula.

Magkakilala kami ni Hiro dahil isa rin siya sa officer ng Library Club. Section 7 siya. Half- Japanese at Half Pinoy. Mas singkit ang mga mata nito kaysa sa akin at mapapansing makapal ang kilay nito na parang linta. Mas matangkad ako sa kanya kasi 5"6' lang siya.

Kinuha niya ang crown sa gilid at unti-unting kinabit sa ulo ko. Nagkasiya naman. Pagkatapos nun ay si Shaine naman. Parang wala lang sa kanya ang kanyang pagkapanalo. Sanay na kasi itong taong 'to lalo na sa mga beauty pageant na katulad nito.

Kinaway ko ang mga taong nakakakita sa akin. Kahit kina Cheney at Lei na nasa harapan.

"Ladies and Gentlemen, our new Mr.&Ms Lakanduleñans 2003! Ms. Shaine Anne Custudio and Mr. Mark Jacob Inocencio. Please give 'em a round of applause!!"

Tilian ang lahat ng mga babaeng kinakawayan ko. Nawala ang kaba sa dibdib ko. Ninamnam ko ang sandaling sa buhay ko, nagamit ko ang kakisigan ng pangangatawan ko, at ang husay sa pagsagot ko. Salamat na lang at nandiyan ang mga kaibigan ko at ang dalawang taong pinaka-espesyal sa akin. Si Lei at Cheney.

Natapos ang gabi na masayang-masaya ako. Naghiwalay na kami ni Shaine. Magaala-una na ng madaling araw nang natapos kami. Kinamayan ako ng mga hurado at may mga proposal sa amin for modeling. Ni-refuse ko iyon kasi bata pa ako, at 15 anyos lang ako. Tsaka na pag umedad ako ng kaunti. Marami ang nagpa-picture. Instant celebrity kaagad! Nagpa-autograph at hinalikan ang pisngi ko. Medyo pawis na pawis ako at hindi ko alam na naliligo na ang likod ko sa pawis. Nagdesisyon akong hubarin ang tuxedo ko at nilagay sa kanang kamay ko. Nasa akin pa yung korona.

Alas 2:45 na nang natapos na kaming lahat. Umuwi na kami. Sumama si Lei kina Nikol at Jayson samantalang kasama ko naman sina Cheney, Joseph at si Kuya Kenneth pauwi.

--------

Makalipas ang ilang araw, buwan at isang taon. Mas naging sikat ako. Hindi na ako tulad ng dati na ordinaryong tao lang. Naging ka-close ko si Hiro at tumaas ang ranggo ko as Business Manager ng Booklover's society ng school kung saan kagrupo ko si Hiro. Naging Campaign Manager ako ng isang party para sa eleksyon noon ng Ang Barangayette-SSG at lahat ng manok ko ay nanalo. Walang natalo kahit isa. Nang sumunod na huling linggo ng buwan ng September, 2003 ay bumalik si Kuya Kenneth sa Dubai para magtrabahong muli. Ayaw ko pang umalis nun si Kuya Kenneth pero nangako siya sa akin na pagka-graduate ko ng high school ay tsaka siya babalik, kaya pinanghahawakan ko, hanggang ngayon, ang pangakong iyon na sinabi niya sa akin. Mas lalong tumindi ang pagmamahalan namin ni Lei at medyo parang napapansin kong napapabayaan ko na si Cheney. Lagi nang sumasama sa barkadahan si Hiro. Hindi ko pala alam na bisexual pala siya kaso inside the closet pa lang. Alam na niya rin ang tungkol sa pagkatao ko noong bata ako, At talagang dun daw siya napahanga sa akin. Sana daw ay makahanap din siya ng one true love na tulad ko.

Hindi sa pagmamayabang, kapag lumalakad kaming magbabarkada sa buong Lakandula HS, lahat ng sumasabay sa amin ay napapahinto at napapatili. Para kaming F4 kaso me nadagdag lang na isa at si Cheney naman ay parang si Shan Chai.

Tumagal at parang solid ang pagkakaibigan naming anim. Natapos ang third year nang mayroon kaming natanggap na honors. Biruin mo naman ang panahon, magka-tie pa kami ni Lei as 2nd Honor, hanggang sa umabot kami ng fourth year. Senior na kami at nakakalungkot isipin, pero ga-graduate na kami. Naging section three si Cheney, samantalang naging section five si Hiro at kaklase naman ni Cheney sina Joseph, Nikol, at Jayson at, magkaklase pa rin kami ng Baby Bro ko. Noong dumating ang 16th birthday ko, niregaluhan ako ni Cheney ng isang asong shitsu samantalang aklat naman ang binigay sa akin ni Baby bro na talagang sapul na sapul ang storya sa karanasan ko sa first love ko na si Patrick. Oo, mahalaga ang binigay sa akin ni Cheney, pero mas binigyan ko ng importansiya ang regalong binigay sa akin ni Lei dahil sobra akong naka-relate sa istorya ng nobelang ibinigay niya. Mahal ko si Cheney, pero habang tumatagal ang panahon, mas lumalalim ang pagmamahalan namin ni Lei! Hindi alam ito ng barkada ko at lalo na ni Cheney sa paglipas ng panahon.

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)Where stories live. Discover now