Chapter 22

1.4K 38 1
                                    


 

"Pwede ba, itigil na natin ang lahat ng ito!! Natutulog lang si Cheney! Don't make her disturb. Let's celebrate life.. C'mon!!" sigaw ko habang ang lahat lahat ng tao sa paligid namin ay nag-iipon kung saan nandun si Cheney.

Dumating si Lei at bigla akong sinapak. Masakit yun at sa tingin ko, para akong nagising ng hindi oras.

"Tangina mo!! Kuya!! Wag mong takasan ang lahat-lahat!! Patay na si Cheney!! Lumapit ka sa kanya at tignan mo sya!! Talagang masakit kuya!! Pero wag mong ilayo ang realidad sa isipan mo!! Kailangan mo siyang harapin!!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong nanginig. Ramdam ko Ito hanggang sa ulo ko pababa. Para akong na-kuryente. Nanghina akong bigla nang natauhan ako sa narinig ko. Totoo nga, iniwan na kami ni Cheney.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Hinila ko papalayo ang mga tao na nakaharang sa dinadaanan ko, hanggang sa nakita ko si Cheney na wala ng buhay na nakahiga sa mga binti ng mommy niya.

"Cheney, this is so wrong!! This is so wrong!!"

Hinipo ko ang buhok niya, pagkatapos, ay hinawakan ko ang mga kamay niya. Malamig siya. Hindi tulad ng mga tipikal na araw na hinahawakan ko ang mga maiinit at malalambot na mga palad nito. Pagkatapos ay kinuha ko siya sa pagkakahiga at hiniga sa harap ko. Niyakap ko siya. Unti-unting pumapatak ang luha ko. Patak na nagiging parang agos na dumadampi sa mga pisngi ko at nahuhulog sa maamong mukha ng cakie ko.

"Cheney!! Nasaan yung ipinangako mo sa akin!! Why did you leave us!! Makasarili ka talaga, Cheney!! Makasarili ka!! Iniwan mo kami ni Lei ng ganung-ganun na lang!!"

Lumapit sa akin si Lei, inakap niya kaming dalawa. Napansin ko din na umiiyak siya sa likuran ko. Dama ko ang sakit niya dahil sa mga patak ng luha na bumabakat sa damit ko.

"Cheney!! Bakit mo kami iniwan!! Bakit!!!"

Ramdam ko na nanginginig si Lei habang yakap niya kaming dalawa. Samantala, yumakap na rin sa amin sina Nikol, Joseph, Hiro at Shaine. Ramdam ko ang bigat nila, pero wala na akong pakialam. Ang importante, nandun kaming lahat na sama-samang tumatangis sa pagkawala ni Cheney.

Tumawag si Tita ng ambulansya at sabay kuha sa mga bangkay ni Cheney. Alas 10:25pm siya nang nawala sa amin. Multiple organ failure ang kinamatay niya at hindi sa Leukemia. Habang dinadala sa ambulansya ang walang buhay na si Cheney, agad lumapit sa akin si Lei sa harapan. Umiiyak pa din siya. Kinuha ko ang ulo niya at nilagay sa dibdib ko. Wala na nga si Cheney, pero ang sakit ng pagkawala niya ay nararamdaman namin sa kabila ng kanyang ngiti at maamo niyang mukha.

Sumama kami sa punerarya. Napagdesisyunan ng pamilya niya, pati na rin kami na wag nang palitan ang suot niya na ilalagay sa kabaong. Tinignan ko muna si Cheney bago siya i-embalsamo. Maganda siya. Maamo ang mukha niya na parang hindi nahirapan sa pagkamatay. Para nga siyang natutulog kung iisipin eh. Nang habang tinitignan ko siya ay bigla kong naalala ang pagkabata namin. Si Patrick na iniwan ako, pagkatapos si Cheney na nawala naman sa buhay ko.

Lumapit sa akin ang mommy niya.

"Alam mo Iho, bago siya namatay, may sinabi siya sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan. Mahalin mo daw si Lei, tulad ng pagmamahal mo kay Patrick. Alam mo iho, saludo rin ako sa anak ko eh, kahit na sa pinakahuling sandali ng buhay niya, hindi siya nagdamot, bagkus, ibinigay niya ang pagmamahal niya na dapat siya lang ang nakikinabang at hindi ang ibang tao."

Sabay niyang kinuha ang mga kamay ko at inilagay sa puso ni Cheney.

"Wala man sa atin si Cheney, Tandaan mo iho, nasa puso natin siya, kaya we're just come up to decide that we're not embalming Cheney's heart. I want to remain it to her body, for her to live those memories to us in her heart."

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora