Chapter 17

1.4K 40 4
                                    

"Cheney, are you Ok?! Kung gusto mo, ihahatid muna kita sa inyo, kung di mo talaga kaya?" tanong ko kay Cheney habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Cakie, I'm all fine! Siguro stressed lang ito dahil sa pressure sa school. I can handle myself, so don't worry!!" sabi niya habang minamasahe ang magkabilang sentido ng ulo.

Nang huminto ang jeep sa harapan namin ay kaagad kong pinasakay si Cheney. Mukhang may tinatago siya sa akin noong mga panahong medyo hindi maganda ang pakiramdam nito.

Nang nakasakay kaming dalawa sa jeep, malapit sa labasan, ay agad na sumandal sa kanang balikat ko si Cheney. Napapikit siya ng hindi oras. Hinawakan ko ang mukha niya. Mukhang may pinagdadaanan nga! Kilalang-kilala ko si Cheney dahil 10 years ko na siyang kaibigan at 4 years naman kaming maging magnobya. Namumula si Cheney, mas maputi si Lei sa kanya kaya medyo naaninag ko sa kanya ang mamula-mula nitong balat. Matangos ang ilong nito at na aakalaing mo'y parang pinagbiyak na bunga sila ni Lei. Pinunasan ko ang pabagsak na mga luha niya dala na rin siguro ng paghikab niya bago sumandal sa akin.

Nakapunta kami ng school ganap na alas 6:15 ng umaga. Medyo madami ng tao at hinihintay na lang ang flag ceremony bago kami pumunta sa classroom. Magkatabi lang kami ni Cheney ng kwarto. Section 2 kasi kaming dalawa ni Lei samantalang section 3 naman siya. Alalang-alala pa rin ako kay Cheney noong mga panahong medyo matamlay siyang nakatayo sa pila niya. Binati siya ng mga kaklase niya pero parang walang narinig ang nobya ko sa kanila.

Hindi ko muna pinansin si Cheney at baka dumagdag lang ako as one of her stressors sa kanya, kanya nagpasiya muna akong kausapin si Arah, still consistently President ng section namin, simula 3rd year. Nag-usap kami tungkol sa mga mangyayari sa JS Prom sa February. Motive na kulay daw para sa mga girls, kung magsusuot ng gown ay kulay blue, para sa mga senior tulad namin, at pink naman sa mga juniors. Malaya daw kaming mga lalaki na pumili ng isusuot namin, ayon sa gusto, basta formal at elegante. Sa mga sasayaw naman sa cotillion, kasama daw akong sasayaw dahil naging Mr. Junior ako last year. Pili lang ang sasali para sa JS ball kaya't buti na lang at isa ako sa mga napili.

Si Cheney ay isa sa mga organizer ng JS Prom. Mamaya ay aattend siya sa meeting na gagawin ng Ang Barranggayette-SSG council para plantsahin ang gagawing aktibidades sa di-makakalimutang araw na iyon ng nga tulad kong gagraduate na sa March. Makayanan kaya niyang asikasuhin iyon, gayong panay ang sakit ng ulo niya sa di-malamang dahilan?

At last, at nakita ko sa pila si Lei. Mukhang late na naman siya. Pinuntahan ko siya para malaman ang dahilan ng pagkaka-late niya at tulad ng sinabi niya sa text, ay ang dahilan ng pagkakalate niya.

Nagsimula na ang flag ceremony na ang kaklase ko ang nag-lead ng prayer at national anthem, tapos yung sophomore na section one naman ang nag-panatang makabayan at maya-maya'y nagsimula nang umandar ang pila papunta sa mga room.

Nakita ko si Nikol, Hiro, Jayson at Joseph na magkasama. Hinila ako ng isa sa kanila sabay gulo sa naka- fly away style ng buhok ko. Agad kong sinuntok ang bayag ni Nikol para tigilan ako sa ginagawa nito sa akin at napaatras siyang bigla ng di-oras pagkatapos nun.

"Aw..... Tangina mo, Jacob!! Ang sakit!! Yung alaga ko pa pinuntirya mo!! Gago!!" sabi niya sa akin habang hawak-hawak ang itlog nitong mukhang nabasag ko.

"Sorry!!! aga-aga tapos guguluhin mo buhok ko. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil iyan lang ang inabot mo sa akin!!"

"Loko ka, Jacob!! Pasalamat ka't kaibigan kita, kundi nagulpi de palo kita ng hindi oras!!" bulalas ni Nikol habang hawak-hawak pa din ang alaga nito at nagsimulang maglakad.

Para kaming mga baliw. Ang iingay namin sa corridor paakyat papunta sa room. Hiyaw dito, hiyaw doon. Buti na lang at kami ang unang-unang section na umakyat sa taas, kundi napagalitan kami ng mga nakapasok na sa ibang room.

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon