Chapter X (Almost Perfect)

Start from the beginning
                                    

"Na-ospital si Mommy. We need you here." sabay putol niya ng tawag.

Bahagya pa akong natulala bago ako mabilisang kumilos. I talked to Steph through phone, sinabi kong ihanda niya ang jet dahil uuwi ako ng Pilipinas, nag-talo pa kami kasi daw may fashion show pa akong dadaluhan. Pero sa huli ay ako pa rin ang nasunod.

Hindi ako mapakali sa biyahe.

Shit. Ano kayang nangyari?

***

After some hours ay nakarating na din agad ako ng Pilipinas. Dumiretso agad ako sa mansion tulad ng sinabi ni Kate. Nag-taka pa ako nang sinabi niya 'yon. Ba't naman hindi sa hospital?!

Pagdating ko ng mansion ay nakasalubong ko agad si Johm- 'yong pinaka-batang kasambahay dito.

"Oy ma'am! Ba't kayo nandito?"

I fight the urge to roll my eyes. Duh. Bahay ko pa rin kaya 'to. Tsk.

"Where's Kate?"

Napakamot pa siya sa ulo niya at napangiwi .

"C'mon! I'm in hurry." naiinip ko pang usal.

"U-uh k-kasi ma'am 'di po ako nakakaintindi ng ingles."

Jeez.

"Okay, okay, nasaan si Kate?"

"Nasa ibang bansa po silang buong pamilya ngayon. Sa ongkong ba 'yon?-"

"It's Hongkong."

"Ah, oki. Sa Hongkong po. Nag-bakasyon 'ata."

"What? Eh ba't ang sabi ni Kate nasa hospital si mommy?"

Napakamot ulit siya sa ulo niya. "Aba ewan ko ma'am, basta ang alam ko kaalis lang nila kahapon."

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko. That bitch!

Agad kong ni-dial ang number ni Mico pero cannot be reach naman. Nag-angat ulit ako kay Johm.

"Sure ka? Okay lang ba si mommy? Wala ba siyang sakit?"

"Yes ma'am! Healthy 'yong si señora!"

Agad akong sumakay ng kotse. Shit. Ba't ako nag-pauto?! Ano bang gusto niyang palabasin?! Gusto niyang ipa-mukha sa akin na hindi na naman ako kasama sa lakad nilang pamilya?! Mag-sama-sama sila. Bwisit.

My God! Nasayang lang ang biyahe ko! Bwisit! Nahampas ko ang manibela sa sobrang frustrations. Masasampal ko talaga ang bruhang 'yon sa oras na mag-kita ulit kami.

Nag-maneho ako paalis. Kung gusto lang pala niyang ipamukha sa'kin na nag-bakasyon silang buong pamilya, edi wow.

I don't care anymore.

Oh God. Pagod na agad ako. Lagot talaga ako nito kay Steph tapos may fake date pa pala kami ni Andro. Speaking of Andro-nandito pa kaya 'yon?

Imbes na dumiretso ng airport ay sa bahay ko ako dumiretso para sana kunin si Edward. Marami pa namang oras eh.

Nang makarating ako ay ipinarada ko agad ang kotse at pumasok ng bahay. Kinuha ko si Edward at akmang palabas na ng bahay nang makarinig ako ng kung ano sa kabilang bahay.

Particularly, bahay ni Andro. May tao! Ibig sabihin nandito pa siya.

Hindi na ako nag-dalawang isip na pumasok tutal medyo close na naman kami. Bitbit si Edward ay naglakad ako papasok ng bahay niya.

Wala siya sa salas. Baka nasa kwarto?

Umakyat ako sa second floor at muli ko na namang narinig 'yong weird sound.

Almost PerfectWhere stories live. Discover now