Part eight- Love?

26 4 2
                                    

-Patricia's POV-

From: Joshua

Pwde ba kitang makausap? Kung pwede, punta ka sa may caffe sa tabi ng school naten.

Ano ba 'to? umagang-umaga ginugulo utak ko. Ano ba irereply ko? Aish.

To: Joshua

Cge, intayin mo ako.

Kinakabahan ako. Pero nagbihis pa rin ako ng maayos. At kahit papano, nagpaganda para mukhang presentable sa harap nya.

Pumunta na ako sa may caffe. Pagkadating ko, andun na sya.

"Ang ganda mo pa rin talaga" Sabi nya.

"Joshua, ano ba ang paguusapan natin?"

Kinabahan ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Patricia, mahal kita. Matagal na."

"A-ano ba yang pinagsasasabi mo?" inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hinawakan niya ito ulit.

"Maniwala ka sa akin. Matagal na kitang mahal. Matagal na kitang napapansin. Yang pagiging simple mo ang nagpa-ibabaw sayo. Noong tinawag kita dati sa canteen para umupo sa tabi ko, akala ko chance na yun. Pero kinuha ka ni Patrick eh. Noong sumabay naman ako nun sa'yo paakyat, sobrang saya ko talaga! Naalala mo nung nagkabanggaan tayo noong valentines, sinadya ko yun! para mabigay ko sa'yo yung rose. Pero nung nakita kong nagtapat sa'yo si Patrick, nawalan ako ng lakas ng loob. Mahal kita. Mahal na mahal."

"Joshua, mahal din kita"

"T-talaga? hahaha! So tayo na? :)) "

"Haha! s-sige! :') "

"Yey! Ang saya-saya ko talaga!"

"Ako din Joshua."

"Mahal na mahal kita Patricia"

"Mahal na mahal din kita Joshua"

Kami na ni Joshua. Dapat masaya ako! Kaso bakit parang may kulang? haaay. Wala yun! Basta masaya ako!!

-Patrick's POV-

Mula dito sa kinauupuan ko, narinig ko lahat ng pinag-usapan nina Patricia at Joshua. Masakit pala talaga. Haaay. Pero masaya na si Patricia. Siguro, kailangan ko nang mag move-on at maghanap ng taong para sa akin.

The Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon