Part Five- The day

32 4 0
                                    

-Patrick's POV-

Maaga akong nagising ngayong araw. Ngayon ko na kase balak magtapat kay Patricia. Ewan ko ba kung bakit ko sya nagustuhan. Ang bait niya kasi eh. Ang ganda pa ng mga mata niya. Ang sarap niyang alagaan. Haaay.

Nag-ayos na ako ng sarili. Nagpabango rin ako at nag-ayos ng buhok. Kailangan kong magmukhang gwapo sa harap niya mamaya :) Excited na ako!

Sinundo ko si Patricia sa bahay nila. Nagulat nga siya eh! haha. Kinuha ko ulit yung shoulder bag nya. Kahit na nagmumukha akong bakla tuwing dala ko 'to, ayos lang. Basta wag lang siya mahihirapan. Mahal ko na siya eh!

Dumating na kami sa school at kailangan ko na siyang iwan. Kahit ayaw ko, wala naman akong magagawa.

Buti na lang at mabilis ang oras! sa wakas! Lunch naaa! Sinundo ko siya sa tapat ng classroom nila at nilibre ko siya ng lunch. Sa canteen, nakikita ko ang simpleng pagtingin niya kay Joshua. Baket kaya? Namalikmata lang siguro ako. oo! Habang kumakain siya ay inipit ko sa libro niya yung isang note para mamaya! sana pumunta siyaaa! :)

Pagkatapos kumain, hinatid ko siya sa classroom nila. Ako naman,umabsent muna sa ibang klase. Dalawa na lang naman ang klase ko eh.

Agad akong pumunta sa garden at inihanda ang lahat. Sana magustuhan niya.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Ayan na! Ilang sandali na lang, bababa na siya dito.

"Ah, hello Patrick! a-ano ibig sabihin nito?"

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Patricia, mahal kita. Ikaw ang nagpakilala sa akin ng salitang pag-ibig. Alam mo, noong una pa lang kitang nakita, nahulog na ako sa'yo! Ikaw kase eh! ang sungit mo pa noon. Pero kahit ganon, nagustuhan pa rin kita. Nung nalaman kong magkalapit lang bahay naten, inisip ko, destiny siguro  to. haha. Lumipas yung mga araw, unti-unti na talaga akong napamahal sayo. Naging buhay na kita. Di ko kayang lumipas ang isang araw na hindi kita nakikita. Patricia, mahal kita. Pwede ba kitang ligawan?"

"P-patrick. Salamat ah. Pero hindi ko matatanggap yang pagmamahal mo. Hanggang kaibigan lang tingin ko sa'yo eh. Sorry talaga ah? Pero salamat talaga sayo. Napapasaya mo ako lagi. Salamat din sa pagmamahal mo."

"A-ah. hahaha. S-sige! ayos lang yun. Wag ka magsorry! Wala ka namang kasalanan ee! Tara na, umuwi na tayo."

Kahit nasasaktan ako, umakto ako ng normal. Pinakita kong masaya ako sa harap ni Patricia.

Noong nasa tapat na ng bahay nila nagpaalam na ako. Nag sorry ulit siya pero sabi ko, ok lang ako.

Tuluyan na akong umalis para makauwi na. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng aking mga luha.

-Patricia's POV-

Ano bang ginawa ko? Sinaktan ko ang nag-iisang nakakaintindi sa akin. Haaay. Baket parang nasasaktan din ako? Ang gulo naman ng Month of Love ko :3

The Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon