Part six- Hurt

32 4 0
                                    

-Patricia's POV-

Ano bang pinag-uusapan nila? ang daming chismosa! nakakainis XD haha. Andito ako ngayon sa canteen. Lunch kase namin. kaso madaming madadaldal. Hayaan na nga! haha. Hindi ko na sana sila papansinin kung wala lang nakapukaw ng pansin sa tenga ko.

"Ang swerte naman ni Miley kay Joshua!"

"Oo nga eh! grabe! Bagay sila. Kahapon lang daw naging sila eh. In fairness, bagay naman sila diba girls?"

"Oo nga! Pero nangingibabaw talaga yung kagwapuhan ni Joshua! Shet! Pogi niya talaga girls! Sana akin na lang sya eh!"

"Ay nako! tara na nga! Ang init na dito sa canteen."

"Let's go girls!"

Pagkaalis ng mga chismosa, tumahimik sa table namin ni Patrick. Ang bigat sa dibdib. Ouch. Ang sakit naman nun </3 aray. Hindi ko na kinaya at napaluha ako. Ayaw kong makita ako ni Patrick kaya tumakbo ako sa may garden. Ang sakit talaga. Hindi ko na 'to kakayanin.

"Oh, panyo. Alam ko ang dahilan mo. Sasamahan lang muna kita dito." cold na pagkakasabi ni Patrick.

"S-salamat"

"Tama pala ang hinala ko noong una. Gusto mo si Joshua. Haaay. Ayaw ko sanang makita kang umiyak kaso wala naman akong magagawa. Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, ginawa ko na. Haay."

"Patrick, ang sakit talaga! Mahal ko na sya eh. Kaso wala eh. Hindi nya ako mahal! Hindi nga niya ako mapansin eh. Patrick, panget ba ako?"

"Hindi ka panget. May mga tao lang talaga na hindi maka-appreciate ng tunay na kagandahan. Hindi ka talaga panget. Mahal nga kita eh. Kaso hindi naman kita mapipilit na suklian yun. basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng karamay."

"Salamat patrick ah. Pwede mo na ba akong samahan sa pag-uwi. Hindi ko na talaga 'to kakayanin eh."

"Sige. Kahit ano para sa'yo."

Sinamahan na akong umuwi ni Patrick. Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa bahay namin at humiga sa kama. Ano na bang nangyayari sa month of love ko? baket ang sakit. haay.

The Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon