Part one- Month of Love

70 3 1
                                    

-Patricia's POV-

*Chug chug chug chug chug chug chug*

May mga maswerteng tao na nakilala na ang itinadhana para sa kanila. Meron namang iba na patuloy pa ring hinahabol ang mga taong sa tingin nila ay nararapat para sa kanila. Ako? I'd like to believe na I'm between those two situations.

It's this time of the year again. Pagpasok pa lang ng buwan ng Pebrero, mararamdaman mo na ang pagmamahal sa paligid. Love is in the air, ika nga nila. Hmm, hanggang kailan kaya ako maghihintay para sa taong inilaan para sa akin?

*Chug chug chug chug chug chug chug*

Ilang tren na rin ang pinalagpas ko. Nandito ako ngayon sa taas ng LRT habang hinihintay siya. Ang tagal naman kaseng lumabas nung lalakeng yun eh. Actually, naging part na ng daily routine ko ito. Lagi ko syang minamasdan mula sa malayo. Kahit na nasa iisang klase lang kami araw-araw, iba pa rin yung satisfaction na nararamdaman ko pag nakikita ko syang nakakasakay ng jeep ng ligtas. Ewan ko ba.

Wait, ayun na sya finally! Habang naglalakad siya palabas, parang bumabagal yung lahat at nag zoom in lang sa kanya. hahaha. Ang cliche pakinggan pero ganun talaga yung feeling eh. Halos apat na taon ko na siyang gusto. Pero kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko na magtapat sa kanya. Bakit? I believe na mangyayari ang lahat ng bagay in God's perfect time.

Haaay Joshua, I hate you for making me feel this way.

"Miss, excuse me. May hika ka ba? Kanina ka pa kase 'haaay' ng 'haaaay' dyan eh." Sabi ng isang familiar guy sa tabi ko.

"Ahh. Wala haha. I'm just waiting for the train. Ang tagal kasi eh."

"Medyo mahirap ngang sumakay ngayon kasi rush hour na. I'm Patrick. Patrick Kyle de Vera." Inabot niya ang kamay niya sa akin.

"Patricia Jayne Cortes." Inabot ko na rin ang kamay ko then I smiled at him.

"Kung hindi mo ako napapansin, I'm from section B. Alam ko taga section A ka diba? "

"Ah, oo. That's why you look familiar. Teka, saan ka pala umuuwi? Parang ngayon lang kita nakitang sumakay dito sa LRT eh." Tanong ko.

"Usually kase sumasabay ako sa kotse ng pinsan ko. Pero ngayon, grounded sya kaya hatid-sundo na sya ng daddy nya. Sa may 4th Avenue lang naman ako."

"Talaga? Magkalapit lang pala tayo. "

"Saan ka ba?" He asked.

"Sa may 2nd avenue."

Nagkwentuhan muna kami about random things while patiently waiting for the train. Nakakatuwa sya kausap, actually. He's a good listener.

*Chug chug chug chug chug chug chug*

"Ayan na yung tren! Tara na!" Excited niyang sabi.

Thankfully, huminto sa amin yung Skip Train. Yun yung trains na walang laman at humihinto sya sa isang specific na station para magpasakay. He's nice and gentleman kasi pinaupo nya yung isang middle-aged woman kahit na nauna sya dun. Chivalry is not dead, I guess?. Tumagal nang 20 minutes yung byahe pero hindi naman ako nabored dahil sa kadaldalan niya. Daig pa ang babae haha. Pero may sense ang mga stories nya and sobrang nakakaaliw.

Nakababa na kami sa LRT at naglakad papunta sa bahay namin. Walking distance lang naman eh. Kasabay ko pa rin syang naglakad and he never stopped talking. Usually, naiirita ako sa mga taong madadaldal pero I can see na gusto nya lang mawala yung dead air between us. I admire him for doing so. Natanaw ko na ang aming bahay kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Nice meeting you. Thankyou kase hindi ako nabored dahil sa kadaldalan mo haha." Sabi ko.

"Hindi naman ako madaldal ah! Thankyou din Patricia." He smiled.

"Ingat ka."

He waved habang naglakad na sya palayo.

The Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon