Part three- Mr. Gentleman

36 5 0
                                    

Pagkatapos ng mahabang klase, sa wakas! uwian na rin! XD hehe. Hindi pa rin ako makarecover sa pagsabay sakin ni Joshua sa pag-akyat! :')

So as usual, umakyat na ako sa LRT station at ginawa ang aking daily mission-ang pag stalk kay Joshua! Dumaan na naman ang ilang tren pero pinalagpas ko ulit yun para makitang sumakay pauwi si Joshua ko XD and finally, lumabas na siya! Agad naman siyang nakasakay pauwi. Masaya na akong makita siyang safe na makasakay.

"Boo!"

"Ay! anak ka ng nanay mo! nakakainis ka Patrick!"

"Sino ba kase yang tinitingnan mo?"

"Pakelam mo ba?"

"Gusto ko lang malaman eh."

"Wala ka namang pakelam dun!"

"Nagseselos kase ako."

"Eh ano na-- hah? n-nagseselos ka?"

*Chug chug chug chug chug chug chug chug chug*

"Wala! ayan na yung tren! tara na nga! ang bagal mo" Sabi ni Patrick

Nang makasakay na kame, inasar ko siya :D

"Ayie! Nagblush siya oh! nagseselos ka? :D" pang-aasar ko.

"O-oy! hindi ah! K-kapal nito! bahala ka nga dyan!"

Nagpatuloy yung asaran namin. Ang cute nyang asarin kase namumula siya! hehehe.

Nakaupo kami sa LRT nang huminto ito. Nasiraan daw kaya mag-intay daw muna kame. Napansin ko naman ang mga simpleng tingin ni Patrick saken.

"Ahmm, may dumi ba ako sa mukha?" inosenteng tanong ko.

"ah, wala wala!" Sagot din naman niya.

Hinayaan ko na lang siya. Muli namang umandar yung LRT. Medyo inaantok na ako kaya napapapikit ako. Nagising na lang ako nang naumpog ako sa hawakan.

"Ang antukin kase eh! halika nga dito."

Nagulat ako nang isandal niya ako sa balikat niya at hinawakan ang ulo ko. Hinayaan ko na lang. Eh inaantok ako eh XD

Ginising niya na lang ako nang bababa na kame. Ikinagulat kong muli ang pagdala niya ng shoulder bag ko. Nakakatawa nga siyang tingnan kase hindi bagay sa kanya! hahaha. Pero gwapo pa rin siya at mas lalo siyang pinag tinginan.

Nang nasa tapat na ng bahay namin, binigay na niya yung bag ko. Nagpasalamat naman ako and waved at him.

Napaupo na lang ako sa study table ko at napaisip. Ang saya ng ikalawang araw ng month of love ko. hahaha :') Si Joshua kasi eh. Wait. hindi naman si Joshua ang dahilan diba? eeeh wala namang iba eh! Oo! si Joshua ang dahilan! :))

The Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon