Part seven- If only

26 3 0
                                    

-Patrick's POV-

"Joshua! Lumabas ka dyan!"

"Teka lang pre, ano bang problema mo?"

"G*g* ka rin pala eh noh?! Dalawang babae sa buhay ko yung sinaktan mo!!"

"Teka lang Patrick, hindi ko alam yang pinagsasasabi mo."

"Akala mo ba, hindi ko alam na umiiyak yung kapatid kong si Miley gabi-gabi dahil sa'yo! Mahal mo ba talaga siya? alam mo, pumayag akong maging kayo kase kababata ka namin! Pero bakit ganyan ka? Sinasaktan mo sya! "

"Patrick, hindi ko siya sinasaktan."

"Pero Joshua, pinaparamdam mo sa kanya na hindi mo siya mahal! Mahal mo ba talaga siya?"

"Ah. Eh. Kilala mo naman kung sino yung tunay kong mahal eh!"

"Duwag ka Joshua!"

Sinuntok niya ako. Pero wala ang lahat ng iyon kumpara sa sakit na ginawa niya sa kapatid kong si Miley at kay Patricia.

"Wag na wag mo akong sasabihang duwag ah!"

"Duwag ka!"

Umalis na ako sa bahay nila Joshua at nakipagkita kay Patricia. Kailangan ko siyang pasayahin.

Dinala ko si Patricia sa isang park.

"Ang ganda naman dito! Salamat Patrick"

"Wala yun! Kailangan mong lumabas ng bahay! Wag kang magmukmok dun! haha. Pikit ka nga :)"

"Baket?"

"Basta!"

Pumikit naman siya at kinuha ko na ang bracelet sa bulsa ko. Sinuot ko 'to sa kanya. Simple lang naman 'to. Pina engrave ko lang yung pangalan niya sa bracelet.

"Wow! Ang ganda naman nito! Salamat ng marami! Nakakatuwa naman :))"

"Wala yun! Basta ikaw!"

Nabasag ang katahimikan ng nagsalita siya.

"Patrick, sana ikaw na lang ang una kong nakilala."

The Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon