Chapter 23

40.5K 1.1K 60
                                    

THE FINALE

LUMIPAS ang buwan at taon na puno ng saya ang pagsasama nila Frank at Erica. Masasabi mong perfect couple ang dalawa. Hindi nagkulang si Frank na ipakita at iparamdam sa asawa ang pagmamahal nito kay Erica. Kung iba ay sa paglipas ng mga buwan o taon ay nababawasan ang pagtingin nila sa kanilang mga asawa. Si Frank ay hindi ganun dahil habang tumatagal ay mas lalo nitong minamahal ang kanyang asawa. Si Erica ang buhay at mundo ni Frank. Kung mawawala ang asawa ay baka sa mental hospital siya pupulutin. Kaya subra-subra ang pag-iingat niya sa kanyang mag-ina.

***NAKARAAN***

Bawat pagdaan ng araw at buwan ay halos bilangin ito ni Frank. Excited na kasi itong makita ang magiging baby nila ni Erica. Minsan nga gusto itong sapatusin ng asawa dahil panay kausap nito ng tiyan ni Erica. Kinakausap nito ang tiyan ng asawa at pinapakiusapang bilisan na ang paglaki at palabas ng anak nila. Para namang naririnig ng anak nila yun dahil kapag kinakausap ni Frank ang tiyan ni Erica ay sumisipa ang anak nila.

"F-frank.....Frannnnnkkkk."

Tawag ni Erica sa asawang natutulog. Sa gulat ni Frank ay bigla itong napabalikwas ng bangon. Ng mahimasmasan ito ay papungas-pungas niyang binuksan ang ilaw. At doon nakita niya ang asawang pawis na pawis na. Kaya sa pagkataranta nito ay bigla niyang binuhat si Erica at lumabas ng kwarto nilang buhat-buhat ito.

"Boss, anong nangyari?" Ang nag-aalalang tanong ng isa sa mga taohan ni Frank na nakakita sa kanila.

"Get the car, manganganak na ang ma'am Erica niyo." Utos niya dito at agad naman tumalima ito. "Pakikuha ang gamit ng ma'am Erica niyo sa kwarto at gamit ng baby. Isunod mo agad sa hospital." Utos naman nito sa isa sa mga taohan niya bago niya isinara ang pinto ng sasakyan.

Agad pinaharurut ng tagamaneho ang sasakyan patungong hospital.

"Baby, take a breath. Malapit na tayo sa hospital." Anito kay Erica na tagaktak na ang pawis.

"Ang sakit-sakit na Fraaaannnnk." Mangiyak-iyak nitong aniya sa asawa. "Buddy, please calm down. Wag muna naman pahirapan si mommy. Diba love na love natin si mommy. Kaya be a goodboy." Kausap nito ang tiyan ni Erica. At parang nakinig naman ito at kumalma ang sakit ng tiyan na nararamdaman ni Erica.

"Huuuuu.....oh oh oh!!!!"

"Masakit parin ba?" Nag-aalala nitong tanong. "Medyo hindi na." Sagot nito.

"Goodboy, wag mong pahirapan si mommy buddy ha." Saad pa nito. At dahil sa ginawang pagkausap ni Frank sa baby nila ay nakahinga naman ng maayos si Erica.

Nang marating nila hospital ay agad na tumawag ng nurse ang driver ni Frank at agad naman silang sinakluluhan ng mga ito. Agad nilang isinakay sa stretcher si Erica at agad na ipinasok sa delivery room.

Habang naghihintay si Frank sa labas ng delivery room ay hindi ito mapakali. Kaya lakad upo ang ginagawa niya habang nanganganak ang asawa. Bawat mapadaan naman ay halos lumuwa ang mata dahil nakasuot lang ito ng shorts at walang suot na pang-itaas kaya kita ang katawan nito.

"Bro, kumusta si Erica?" Tanong agad ng kararating lang na si Mark. Siguro narinig nito ang pag-alis nila kanina kaya ito ang unang dumating sa mga kaibigan niya.

"Nasa loob na siya ng delivery room, bro." Sagot niya dito.

"Anong nangyari?" Tanong naman ng humahangos na sina Blake at Flake. Halatang kagigising lang din ng dalawa. "Manganganak na si Erica." Sagot ni Mark sa dalawa. Maya't maya lang ay dumating rin ang iba pang mga kaibigan ni Frank maging ang magulang ng asawa ay dumating rin.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon