Chapter 1

58.9K 1.2K 26
                                    

HALOS hindi magkandaugaga ang mga waitres sa isang fast food chain sa pag stema ng mga costomer nila. Lakad dito, lakad doon. Tawag dito, tawag doon. Huminga ng malalim si Erica bago niya nilapitan ang mga bagong dating na costomer.

"Good afternoon Ma'am, Sir. May I help you?" Tanong niya sa mga ito ng makitang ibang lahi ang mga ito. Nakangiti naman siyang binalingan ng mga ito.

"Yes, because we don't t know we're we choose food here on the menu, it's not familiar for us. Can you help us to choose the good taste of all this foods?" Sabay turo ng babae sa menu book. Halatang hindi rin masyadong magaling mag-english ang mga ito. Kaya naisip ng dalaga na malamang hindi galing U.S ang mga ito.

"Sure, madam." At agad naman itong tinulungan ni Erica. Ipinaliwanag nito bawat isa ang mga pagkain meron sila.

Araw-araw ay walang pinagbago ang senaryo kapag nasa trabaho si Erica. Kumakayod ito ng mabuti upang matustusan niya ang pangangailangan sa pag-aaral sa kursong nurse. Isang taon na lang ang kanyang gugulin upang makamit niya ang tagumpay kaya nagsusumikap siyang mabuti.

"Erica."

Tawag sa kanya ng isa sa mga katrabaho niya matapos ang trabaho nila.

"Huh! Bakit Jhessa?" Ani Erica na nagtatanong ang mga matang humarap. "Sama ka sa amin, gagala kami ngayon." Nakangiting ani Jhessa.

"Ay! Thanks na lang meron pa akong trabo sa pinapasukan kong bar eh! Next time na lang. Salamat." Saad nito.

"Masyado ka namang workaholic Erica. Magpahinga ka naman kahit minsan." Sabat ni Carmina sa usapan ng dalawa.

Bahagya lang ngumiti si Erica sa dalawa. "Kailangan mga sis eh! Gusto kong makatapos ng pag-aaral ko. Kunting pagsisikap at pagtitiis na lang ay magkakaroon narin ako ng magandang trabaho." Turan nito sa dalawa.

"Oh siya, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka huh!" Habilin ni Jhessa ditong nakangiti bago nila iniwan ni Carmina si Erica.

Dali-daling nagbihis si Erica. Matapos niyang magbihis ay agad niyang sinukbit sa balikat ang back pack niya at lumabas sa pinapasukan niyang fast food chain.

Dahil malapit lang ang pinapasukan niyang bar ay nilalakad lang niya ito mula sa pinapasukang fast food chain. Pagdating niya ay nakangiti siyang sinalubong ng mga kasamahan niya doon.

SA isang mesa ay kampanting nakaupo si Frank habang nagyoyosi ng makatanggap siya ng tawag. "Hello." Anito ng sagutin niya ang tawagan. "Boss, nasaan po kayo? I have a good news tungkol sa pinapaimbistigahan mo." Anang kausap ni Frank.

"That's good. Pumunta ka sa bahay bukas, hihintayin kita." Saad ni Frank. "Yes, boss." At agad na nawala sa linya ang kausap nito.

Habang dumadaan ang takbo ang oras ay biglang naagaw ang pansin ni Frank ng mahagip ng mata niya ang isang babae. Dahil kilala siya sa naturang bar ay agad niyang inutusan ang isa sa mga taohan niyang alamin kung sino ang babaeng nakita niya. Agad namang tumalima ang inutusan niya.

Hindi nagtagal ang inutusan ni Frank ay muli itong bumalik at lumapit sa binata. "Boss, Erica Sandoval daw po ang pangalan niya. Regular waitress dito tuwing ganitong oras." Anang inutusan ni Frank.

"Okay."

"Wow! Miss, ang sexy mo." Nakangising anang isa sa mga customers sa pinapasukang bar ni Erica. Agad naman itong iniwasan ni Erica. Ngunit sinundan parin ito ng lalaki sabay tapik nito sa pwetan ng dalaga. Dahil sa ayaw matanggal ni Erica sa trabaho ay kalmado niya itong hinarap.

"Sir, para niyo na pong awa lubayan ninyo ako. Hindi po ako bayarang babae para bastusin niyo. Nagtratrabaho po ako ng marangal dahil kailangan ko sa pag-aaral ko. Kaya kung pumunta lang po kayo dito para mangbastos ay pwede po iba na lang, parang awa niyo na po." Ang lahat ng sinabi ni Erica ay narinig ito ni Frank.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon