Chapter 5

37.5K 981 16
                                    

AFTER ng class ni Erica ay agad din itong lumabas ng university. At gaya ng inaasahan niya ay naroon na si Frank na naghihintay sa kanya. Kaya napangiti na lang itong nilapitan niya ang binata.

"Hi! kanina ka pa?" Agad niya ditong tanong ng makalapit siya sa kinatatayuan ni Frank.

"Not really." Sagot naman nito sabay bukas niya sa pinto ng sasakyan. Ng makasakay si Erica ay saka agad na gumawi sa driver seat si Frank. At agad niyang pinaharurut ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" May pagtatakang tanong ni Erica kay Frank ng makita nitong hindi pauwi sa bahay ng binata ang binabaybay nila.

"May importante lang akong business na pupuntahan at isasama kita. Tutal wala ka namang pasok bukas diba?" Anitong kinatango ng dalaga.

"Uhm! Oo, wala akong pasok, next week pa." Sagot nito.

"That's good, sa sunday afternoon ang balik natin ng Manila." Ani Frank na kinalingon ni Erica sa binata.

"Bakit saan ba ang business mo na pupuntahan natin?" Curious parin nitong tanong. "Sa Palawan." Tipid nitong sagot na ang mata ay nakatuon lang sa daan.

"No way, hindi ka ba nagbibiro na doon tayo pupunta?" Paniniguro nitong may kagalakan. Matagal na kasi nitong pangarap na sana makarating siya kahit isa man lang sa mga sikat na beach sa bansa. Pero dahil sa nagsisipag siyang magtrabaho para sa pag-aaral niya ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon magliwaliw sa kahit saang beach resort sa bansa.

"Yeah! Where going there at sa airport tayo ngayon pupunta." Anitong kinalaki ng mata ni Erica.

"Huh! Pupunta tayo doon na nakasuot lang ako ng uniform at isa pa wala akong dalang mga damit." Bigla nitong nasabi sa binata ng marealize na wala siyang dalang damit at hindi rin siya nakapagpalit ng uniform.

"It's not a big problem baby, may mga damit akong binili. Ikaw na lang ang pumili kung saan ang gusto mong isuot." Anito kay Erica na biglang nabahala. Dahil sa isiping makakarating nga siya ng Palawan pero malas naman siya dahil wala siyang dalang damit. Ngunit ng marinig ang tinuran ni Frank ay bigla siyang nakahinga ng maluwag.

"Pwede ba akong magswimming kapag nakarating tayo ng Palawan?" Kagat labi nitong tanong kay Frank. Nahihiya man ay nilakasan niya ang loob sa pagnanais na maranasan man lang ang magswimming sa dagat kahit minsan.

Natawa naman si Frank dahil sa tanong ng dalaga. Kaya biglang napayuko si Erica dahil sa hiya.

"Of course, habang ginagawa ko ang business transaction ko doon ay pwede kang magswimming. Kesa namang magmukmuk ka lang sa loob ng hotel room." Sagot nito sa dalaga. Kaya biglang napangiti si Erica at naexcite na makarating sila ng Palawan agad ng binata.

Pagdating nila ng airport ay agad inipark ni Frank ang kotse niya kung saan pwede mong iwan ang sasakyan mo. Agad bumaba ng kotse ang dalawa at kinuha naman ni Frank ang dalawang bag na dinala niya sa back seat kung saan ito ang dadalhin nilang mga gamit.

"Tulungan na kita." Presinta dito ni Erica. "Wag na, ako na lang. Let's go." Anito sabay aya kay Erica. Kaya walang nagawa si Erica kundi ang sumunod kay Frank.

Dahil sa kilala si Frank sa airport ay agad silang sinalubong ng mga porter ng airport at sila ang nagdala ng gamit na dala ni Frank patungo sa loob ng paliparan. Walang kahirap-hirap ang dalawa dahil sa private plane ng binata ang gagamitin nila. Nakahawak ang isang kamay ni Frank sa baywang ni Erica habang naglalakad sila sa loob ng airport. Ang ibang nakakakilala naman sa binata ay pagkagulat ang makikita mo sa mga mata ng mga ito. Unang beses kasi nilang nakita si Frank na magbyabyaheng may kasamang babae at nakahawak pa siya sa baywang nito.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Where stories live. Discover now