Chapter 17

31K 850 32
                                    

DAHIL sa nangyari kay AD ay agad nila itong isinugud sa hospital. Ang lahat naman ng magkakaibigan ay napasugud na rin sa hospital kung saan dinala si AD. Agad itong ipinasok sa emergency room pagdating nila ng hospital at sinuri agad ng doctor.

"Anong nangyari sa anak ko?" Ang naiiyak na tanong ng ina ni AD na si Weng ng marating nila ang hospital kasama nito ang asawang si Aljhon. "Axel, anong nangyari sa kapatid mo?" Tanong nito ng balingan niya si Axel na hindi rin alam kung ano ang nangyari sa kapatid.

"Mom, I don't know?" Sagot nito sa ina. "Yugene, iho anong nangyari sa anak ko?" Halos makaawa nitong tanong kay Yugene.

"I'm sorry tita, pero ang doctor na lang po ang tanongin natin." Sagot dito ni Yugene parang gusto ng pumiyok ang boses. Nagkatinginan naman sina Erica at Frank.

Habang naghihintay silang lahat sa paglabas ng doctor na tumingin kay AD ay hindi naman silang lahat mapakali. At habang naghihintay silang lahat ay bigla na lang silang nagulat ng biglang suntukin ni Yugene ang pader na nasa harapan niya. Agad naman itong inawat ni Frank at Axel.

"Magiging okey rin siya bro." Ani Frank. "Bro, mas gugustohin ko pang ako na lang yung nasa kalagayan niya. Natatakot ako para sa kanya." Ani Yugene na bumigay na ito, dahil pumatak na luha sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan. Habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang balikat ni Frank.

Awa ang naramdaman ni Frank para dito, ramdam kasi niya ang nararamdaman ng kaibigan niya. Palipat-lipat naman si Axel ng tingin kina Frank at Yugene na puno ng katanungan ang mga mata. Kaya bahagya nila itong inakay palayo sa mga kasama nilang naroon.

"What is going on mga, bro?" Naguguluhan nitong tanong sa dalawa. "Bro, kagabi ko lang nalaman ang totoo." Ani Yugene.

"Na, ano bro?" Kunot noo nitong tanong, ngunit naroon ang kaba para sa kapatid.

Huminga muna ng malalim si Yugene. "Bro, may sakit sa puso si AD." Sagot nitong kinapatda ni Axel. Parang nag-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Yugene sabay tingin niya sa pinto ng emergency room.

"No, not her mga bro, not my sister." Saad nitong pumiyok narin ang boses dahil sa narinig na pagtatapat ng kaibigan. Bahagya naman itong tinapik ni Frank sa balikat.

Nang makita nila ang doctor na sumuri kay AD ay agad nila itong nilapitan. Ang lahat ay nagtatanong ang mga mata sa harap ng doctor. Hindi naman alam ng doctor kung paano niya ipapaliwanag sa mga ito ang kalagayan ni AD.

Lahat silang naroon ay naghihintay sa sasabihin ng doctor kung ano ang nangyari kay AD. "Doc, kumusta ang anak ko?" Tanong ni Aljhon sa doctor na puno ng pag-aalala para sa anak ang ginoo.

Bahagyang huminga ng malalim ang doctor bago niya sinagot ang mga katanungan nila. "Sa ngayon po ay stable na ang lagay ng anak niyo Sir, pero hindi ko po alam kung kailan siya magigising. Ang dapat niyo pong gawin ay maghanap ng heart donnor para sa heart transplant sa kanya." Deritsang anang doctor dahil sa pag-aakalang alam ng mga ito ang sakit ni AD.

"A-anong pinagsasabi mo doc?" Naguguluhang tanong dito ni Weng. Nagpalipat-lipat naman ang doctor sa mga ito ng tingin at ang lahat ay nagtataka at nagtatanong ang mga mata.

"I'm sorry, akala ko alam niyo ang kalagayan ng patient." Hinging paumanhin ng doctor. "But, like what I said. Kailangan niyong maghanap ng heart donnor na magmamatch sa kanya. Mayron pong matinding karamdaman sa puso ang anak niyo, Sir." Saad ng doctor.

"H-hi-hindi totoo yan Doc. Baka nagkakamali ka lang." Ani Weng na humagulgul na nang iyak.

"Mom, his not lying. Nagsasabi po siya ng totoo." Ani Axel na agad niyakap ang ina. "Hindiiii, hindi ang anak ko." Ani Weng na umiyak na sa bisig ni Axel. Maging si Aljhon ay hindi nakaimik, nabigla ang ginoo sa narinig nito.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon