38: Forgiveness

370 17 3
                                    

Bawi to sa sobrang tagal kong pagiging inactive, :D

---

Loisa's POV:

Kasalukuyan akong nasa garden ng bahay namin (nina mama at kuya). To make this fast... Yup.

Hindi pa kami nagkaka ayos nina Alexa. I miss them. Yung ingay ni Ylona. Yung paggiging hyper ni Alexa, yung kulitan naming apat nina Janella.

"Kailan kaya kami magkakabati?" Tanong ko sa langit. Bigla naman yong kumulog.

Grabe kayo, Lord... Napaka gandang sagot ng kulog.

Nabaling naman ang tingin ko kay kuya Aki na papalabas ng bahay. Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"I missed you so much..." Himala hindi nya ko inasar... Well yon ang akala ko. "Taba... Pft!"

"Yun tayo eh!" Sigaw ko sabay kurot sa braso nya.

"Awww! Ang sadista mo talaga!" Sandali kaming nagka tinginan at tumawa.

Now you know kung kanino ko nagmana.

"Saan punta mo? Pormang porma a." Bati ko sa maala office boy nyang suot.

"Shempwe! Date namin ni labidabs kong si Inah e." Sya na may love life!

Bigla naman kumunot ang noo ko at naalala si Joshua.

"Kamusta na kaya sya?" Bulong ko.

"Sinong kamusta?" Nakalimutan kong andyan si kuya! >.< "Ikaw ah! Sino yan?!"

"Si Jo--"

"Sabi na nga ba't si Joshua ang nasa isip mo e!" >////< guess... Namumula na ko.

"Hi-hinde a! Si ano... Si Jo... Joj and Jai, yung sa PBB! Hindi ko na nga nakikita sa TV yon e."

"Ang rami mong alam... Magsabi lang ng totoo, hindi." What do I expect? He knows me inside out.

Kaloka. Chainsmokers lang ang peg?

"Seriously... Be selfish for once." Nagtataka kong tumingin sakanya. "Try mong isipin yung sarili bago sa iba."

Napaisip ako sa sinabi nya.

Imposible. I'm selfish... I know that. Ni hindi ko man lang naisip yung pamilya't mga kaibigan ko sa desisyon ko noon e. Kaya imposible, I'm selfish.

"Impossible." Umiling sya sa sinagot ko at hinalikan ang ulo ko.

"Bahala ka nga. Tutal 17 ka na. Alis na ko ha." Tumungo naman ako at binaling ang tingin ko sa iba.

Narinig kong bumukas yung gate ng bigla kong may maalala. "Wait, kuya Aki!" Lumingon sya. Buti talaga, naalala ko to. "Visit kuya Quen for me!" Tumungo sya then mouthed the words:

"You're really unselfish."

***

Nakaharap ako sa salamin ko ngayon. Kaya ko na bang pumasok sa AIU? Baka magalit si Alexa at Ylona, lalo na't magkaklase kami.

Anong gagawin ko?

"Arf! Arf!" Napa ngiti naman ako ng makita kong papalapit si Hope sakin.

"Musta?" Hinimas himas ko sya pero hindi katulad ng dati... Parang tumamlay sya.

"Sorry nung wala ko sa tabi mo ng mawala si Justice, Hope."

Si Justice kasi yung partner nya. Kaso nagkasakit daw... Ayon. Wala na.

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon