36: Blue Moon

417 18 2
                                    

Janella's POV:

"Kamusta na? Lalo kang pumuti a. Saan ka ba pumunta?"

Napatigil naman sa pag-type sa laptop si Loisa at napa tingin sakin.

Tinaasan ko sya ng kilay na dahilan nang pagka-tensyonado ng mukha nya.

Tignan mo to! Ngayon ko na nga lang tinanong tungkol sa pagalis nya, mukhang iisnabin pa ko.

Kaka uwi nya lang kasi galing AIU. Kinausap nya si tita Xandra about sa pagaaral nya. Sabi ni tita ay magsisimula na sya next week.

Kaya nang makauwi ay diretsyo agad sa laptop nya. May icha-chat lang daw sya.

Pasalamat nga sya at medyo dinaldal ko pa sya... Buti nga wala kong class ngayon, at buti ay umabsent pa yung isa kong professor.

Edi stay sa bahay! :)))

"Ha? Ah eh sa... Sa ano..."

Bagay nga sila ni Joshua.. Puro 'ano' ang pinag sasabi!

"Basta wag kang magagalit o mabibigla ha?"

"As if namang sa heaven ka pumunta... E doon mabibigla nga ko."

"Janella kasi!" Hinampas nya naman ako sa braso ko. Aish! Sadist mode na naman sya. "Kasi nga pumunta ko ng America."

"Ano?!" Agad naman akong napa tayo at pinaghahampas sya. "Alam mo namang gusto kong pumunta sa America diba?! Bakit hindi mo ko sinama?!"

"Haha!" Aba! Tinawanan pa ko!

Tawa lang sya ng tawa, kaya tumigil ako sa paghampas sakanya at bumalik sa pagupo nang naka simangot.

America kasi yon e... Sayang :3

"Janella... Kung alam mo lang. Hindi mo gugustuhing makasama ko doon." Nginitian nya ko kaso lalo kong naguluhan.

"Bakit naman? Siguro nakikipag date ka doon no!"

"That's far from what happened, Janella." Bumalik ulit sya sa pagla-laptop. "You can't understand it right now."

"Kaya nga ipaintindi mo!" Inaalog alog ko lang sya nang muntik nang mahulog yung laptop na nasa lap nya... Buti nasalo ko.

Jane De Leon

Yan ang tumambad sa screen... Sino naman tong ka-chat nya? Jane?

"Sino to?" Tanong ko sakanya pero tinignan nya lang ako.

Ano ba yan... Wala naman kaming mapapala kung magtititigan lang kami e.

Sasagot na sana sya nang biglang may nagdoor bell. Nagtitigan naman agad kami, at tila nagtuturuan pa kung sino ang magbubukas.

Pinanliitan ko sya ng mata at ginaya nya rin ako hanggang sa may magdoor bell ulit, kaya tumayo na agad si Loisa.

"Sabi ko nga! Ako na magbubukas!" Taas kamay nyang pagsuko at dumeretsyo na sa pinto.

Agad naman akong lumapit sa laptop nya na iniwan nya sa inuupuan nya kanina.

Jane De Leon

So how are you? Fixed your life already? -Jane

Not yet... Still need time. They'll know my reason... Soon. -Loisa

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now