32: Drunk

432 21 6
                                    

Marlo's POV:

Night...

"Cheers!" Sigaw ni Joshua habang taas ang baso nyang puno ng alak.

"Huy! Maawa ka nga sa sarili mo!" Sigaw ni Nash na maykasamang batok kay Joshua. "Lasing ka na e!" Balak sanang kunin ni Nash yung baso ni Joshua kaso ayaw yung bitawan ni Joshua.

Tsk! Kakaiba talaga to malasing.

Nandito kami sa bahay namin, nagyaya akong maginom pero ng makita kong malakas pala sila uminom, hindi na ko uminom para naman maasikaso ko sila pag mga lasing na sila.

Mahirap na... Kasama pa naman namin yung tatlong babae.

"Hahaha! Ang kulit lang! Highschool palang tayo marunong na tayong uminom?! Hahaha!"

"Huhuhuhu! Tumigil ka nga Alexa! College na kaya tayo! Huhuhu!"

"Hahahaha! Bawal magkamali?! Hahaha!"

Kapag nalalasing ang mga tao may kanya kanyang trip yan... Yung iba talking trip, salita lang ng salita yun... Katulad si Joshua.

Kapag silent trip naman ayun tahimik lang... Parang si Bailey ngayon.

While yung mga tawa ng tawa yun ang laughing trip... Best example si Alexa.

May mga iyak lang ng iyak, crying trip kumbaga... Parang si Ylona.

At ang pinaka malala sa lahat...

"Hey!" Nabigla nalang ako ng hatakin ni Janella yung kwelyo ko. "Diba maganda naman ako? Bakit ayaw mo sakin? Halikan mo nga ko."

Ang pinaka malala at pinaka ayaw ko... Flirting trip.

Hindi naman kasi ako tulad ng ibang lalaki na walang respeto sa babae. May respeto ko noh.

Nilalapit nya yung mukha nya sakin pero ako namang lumalayo.

"Janella ano ba? Lasing ka okay. Iuuwi na kita." Umiiling sya at hinihimas himas nya yung pisngi ko.

"Hindi. Alam mo bang ang gwapo gwapo mo. Bagay na bagay ka sa kasing ganda ko."

"Janella..." Nilalayo ko sya pero lumalapit parin sya.

"Marlo please...?"

"Janella kaibigan kita, okay?" Lumayo sya at tila nabuhayan na. Medyo nanlaki pa ang mga mata nya. "Janella okay ka lang?" Hawak ko sa balikat nya.

But she insist by removing my hand.

Huminga sya ng malalim at hinawakan ang noo nya. "Nahihilo na ko." Bulong nya.

"Marlo kailangan ko na iuwi tong mga to." Napatingin ako kay Nash na binubuhat na si Alexa na naka tulog na.

Tumungo naman ako at dinala nya na si Alexa sa kotse nya.

Dali dali ko namang ginising si Bailey, na nakatulog narin.

Nang maka pasok na si Bailey sa kotse ni Nash, yun naman ang pagbuhat ni Nash sa tulog narin na si Ylona.

Sya na gentleman -,-

Tumayo naman ako para gisingin si Joshua.

"Joshua... Gising na..." Alog ko sakanya.

"Hmm... Loisa? Loisa..." Hindi ko alam yung nararamdaman ko... Nabigla ako sa sinabi nya.

I take a deep breath and I started to shake him again.

"Joshua... Gising..." Minulat nya ang mata nya at tumingin sa paligid.

"Si Loisa?" Hindi ko sya sinagot and I just stared at him blankly. "Hayst! Kaya ayokong gumising e," sabunot nya sa buhok nya. "kasi alam kong wala sya para salubungin ako sa pag gising ko e." Yumuko sya panandalian at tumayo na para maka pasok sa kotse ni Nash.

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt