13: Road To Antipolo

586 21 9
                                    

Marlo's POV:

Malayo-layo pa ang byahe namin kaya sinabihan kami na matulog muna. Nakita ko yung iba na natulog. Hindi ako makatulog e. Lalo na't katabi ko sya.

"Pst! Bat hindi ka pa matulog." Silip ni Janella. Nasa harap ko lang kasi sya e.

"Hindi ako makatulog e." Tumungo sya at may kinuha.

"Eto o." May inabot syang unan. Yung para sa leeg nakalimutan ko tawag don e.

"Thanks." Sabi ko at ginamit yon.

Pumikit ako. Ang hirap talagang matulog e.

Mayamaya nakaramdam ako na may mabigat sa balikat ko. Minulat ko ang mata ko. Napangiti ako.

Si Loisa... nakasandal sya sakin.

Buti nga't pumayag syang tabi kami. Akala ko kasi magagalit sya... pero hindi sya nagalit.

Mayamaya dumaan kami sa zigzag na kalsada. Dahil sa gravity nalipat ang ulo ni Loisa sa balikat ni Joshua.

Nabigla si Joshua pero napangiti rin, akala ko tulog na to hindi pa pala.

Nakaramdam ako ng inis kaya kinuha ko ang ulo ni Loisa ng dahandahan at sinandal sa balikat ko. Hm! Hindi ako magpapatalo no.

Kumunot ang noo ni Joshua sa ginawa ko. Huminga sya ng malalim at ginawa rin ang ginawa ko.

"Mas malambot ang balikat ko kaya mas makakatulog sya sakin." Bulong nya at ngumisi sakin. Nang gagalit ba sya?!

Kinuha ko ulit ang ulo nya at nilagay sa balikat ko. Kinuha naman ulit ni Joshua yon. Palit-palitan lang. Nagkasamaan na kami ng tingin.

Halatang walang magpapatalo samin. Mayamaya nagsalita si Loisa pero nakapikit parin.

"Hindi ako magtataka kung magkaka-stiff neck ako nito." Umayos sya ng upo. Minulat nya ang mata nya at sinamaan kami ni Joshua ng tingin. "Janella may unan kapa dyan?"

"Yes Loi. Meron pa."

"Peram nga. Sasakit leeg ko nito e." Pagpaparinig nya habang ang sama ng tingin sakin. O bat sakin lang? Si Joshua rin.

Mayamaya inabot na ni Janella ang unan kay Loisa. Sinuot naman agad yon ni Loisa at natulog ulit.

Sinamaan ko ng tingin si Joshua, na masama rin ang tingin sakin.

"Ikaw kasi e." Bulong nya.

"Baka ako? Ikaw kaya." Bulong ko at tumingin ulit sa bintana.

Si Joshua kasi... yun na yon e.

Nash' POV:

"Ikaw kasi e."

"Baka ako? Ikaw kaya."

Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa dalawa. Nagaaway pa hatiin nalang dapat nila yung ulo nung Loisa, para left and right sila. Putcha parang bata.

Nilingon ko si Alexa. Nakatingin lang sya sa bintana.

"Bakit hindi ka matulog? Mahaba pa byahe." Lumingon sya sakin.

"Hindi pa ko inaantok e." Sabi nya at sumandal.

Kinuha ko ang iPad ko at nilagay ang ear phone ko don. Pinatugtog ko ang One Call Away by Charlie Puth.

Sinuot ko ang isa.

"Eto o." Inaalok ko sakanya yung isa. Ngumiti sya at kinuha naman ang ear phone na inaalok ko.

"Salamat." Sinuot nya naman yon tumingin ulit sa bintana.

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now