25: Invited

410 17 0
                                    

Joshua's POV:

Kainis. Hindi ko parin mabuo tong rubrics cube na to!

Okay na e. Buo na yung isa, tapos pagmag bubuo na ng bago, masisira naman yung buo na.

Complicated na nga buhay ko... Pati pa ba tong nilalaro ko?

Kung pwede ko lang tong kalasen e.

Pilit ko parin syang binubuo hanggang sa sumuko na ko.

Padabog akong sumandal sabay ng plano kong pagbato sa nilalaro ko.

Ibabato ko pala sana ito ng...

"No!! Wag!" Agad nya namang kinuha yon sa kamay ko, at hindi pa nakuntento...

Tumabi pa sakin.

"Wag mo namang sirain to. Sayang naman. Okay na o... May nabuo ka na." Iniikot ikot nya lang yon.

Napairap nalang ako.

Madali lang para sakanya yan kasi hindi naman sya yung nasayangan ng oras e.

"Impatient ka talaga." May pagka FC rin pala tong Krissha na to.

Pinakilala sya samin nina Teddy.

"So?"

Pilit nya paring binubuo yon. Hindi ko nalang sya pinansin.

Nilagay ko sa tenga ko yung headphones ko at nagpatugtog.

...

Nasa kalagitnaan na ko nung kanta ng biglang nakaramdam ako ng sumusungkit sa braso ko.

Inis kong tinanggal ang headphones ko.

Tinignan ko sya ng masama.

"Bakit?!"

"Eto o." Itinaas nya yung rubrics na kaninang nilalaro ko.

Napabilib naman ako ng mapansin kong nabuo nya yun.

"Wow. Nabuo mo." Nakangiti kong kinuha yung rubrics. "Paano mo...?"

"Kasi dapat hindi ka gumi give up. Diba naka buo ka ng isa? Dapat handa mo muna syang talikuran para maharap mo yung iba."

Napangiti ako ng marealize kong may point sya.

"Sacrifice ang kailangan, Joshua. Matuto kang mag sakripisyo." Ngumiti sya sabay ng pag abot nya ng kamay nya. "Can we be friends, please?"

Tinignan ko muna yung kamay nya bago yun kunin.

"Sige. Basta tuturo mo sakin yung 'sacrifice' na sinasabi mo."

"Sige ba."

Janella's POV:

Night...

"Dyan lang ba kayong tatlo? Sure kayong ayaw nyong pumasok?"

"Okay lang po mom. Hihintayin pa namin yung mga kaibigan namin." Tumungo tungo naman si mommy. Pumasok na si mom sa loob ng magsalita si Ylona.

"Ang tagal naman nung mga yon."

"Oo nga e. Pasalamat nga sila inimbita pa natin sila e." Napa pout nalang si Alexa.

Nandito kasi kami sa bahay na pinatayo ng mga magulang naming apat para sa mga 'get together' nila mommy.

At katulad nga ng nabasa nyo. Yes. We invited the 'four eggs'.

Hihindi pa sana si Joshua kung hindi lang pinilit ni Ylona.

"Ang tagal nila."

Agree ako kay Alexa.

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now