15: Dare or Bare

630 25 3
                                    

Nash' POV:

Bakit kasi nandito to? Siguro kukulitin na naman ako neto na bumalik sa grupo... well sorry sya, no parin ang sagot ko.

Tapos eto... mukang gusto pang mang-agaw ng... ng... k-kaibigan. Ayon! Kaibigan!

May virus na tuloy yung kamay ni Alexa. -_-

"Ahm... para saan yung kiss?" Akward na tanong ni Alexa. Diba? Weird sya... kaya layuan nyo sya!

"Pag-galang sa isang magandang binibini." Pss! Galang?! Uso pala sakanya yon?!

"Uhmm... kuya Quen bakit ba nandito yan?" Irita kong tanong. Nakita ko pa nga syang naka-ngisi sakin e.

"Lolo nya ang may-ari ng boarding house... since nandito sya sa Antipolo, dito muna sya titira." Kung minamalas nga naman makikita ko araw-araw ang mukha nya.

"Ahm... can I know your name?" O? Ngayon naman panay english na! Ang sarap iumpog.

"Alexa."

"Alexa... I like it." Lord sorry po kung gusto ko na syang torture-in sa utak ko.

"Alexa!" Napalingon kami sa sumigaw... yung Ylona.

"Dude! Akala namin nagtanan na kayo." Sinamaan ko naman si Marlo sa sinabi nya.

"Sino naman yan?" Mataray na tanong nung Loisa. Tinutukoy nya si Joaquin.

"Sya si Joaquin, his the owner's grandson. He will stay here for a while." Sabi ni Alexa ng naka-ngiti. Anong ngini-ngiti nya?!

"Naks! Kabisado." Sabi netong Joaquin na to, sabay akbay kay Alexa.

Eto naman si Alexa, parang gusto. Mukang ayaw nga tanggalin e! Pwes! Kung ayaw nya! Ako magtatanggal.

Nilapit ko ang kamay ko sabay tapik sa kamay ni Joaquin, dahilan para mawala ang pagkaka-akbay nya kay Alexa.

Mukang nainis si Joaquin sa ginawa ko. Lumapit sya sakin. "May problema ka ba?" Ako? Baka ikaw?

"Ako dapat magtanong nyan." Matigas kang sagot. Abay hindi ako magpapa-talo no!

"O chill!"  Awat ni kuya Quen. "Joaquin, samahan na kita sa kwarto mo, you need to rest." Sabi ni kuya Quen sabay hatak dun kay Joaquin.

Sinamaan pa ko ng tingin.

"Sige guys. Pwede kayong maglaro ng kahit anong gusto nyong laro, basta walang magkaka-sakitan."

"Thanks kuya Quen." Mahinahon na sabi ko.

Ng mapadaan si Joaquin kay Bailey. Tumigil sya.

Tinuro nya si Bailey.

"Ikaw yung pinangakuan ng step sister ko, diba?" Pinangakuan? "Wag ka ng umasang babalik yon." Maangas nyang saad, sabay pasok sa boarding house.

"Lika Alexa!" Hinatak ko sya sa gripo at tinapat don ang kamay nya.

"Problema mo? Wala naman akong sugat a?"

"Wala ngang sugat, virus naman meron." Sabi ko. Ng matapos yon bumalik na kami.

"May sapak yon sa ulo no?" Mapang-lait na tanong nung Janella.

"Sino?"

"Yung Joaquin?"

"Medyo."

"Anong medyo, Nash? Oo! Lika nga laro nalang tayo." Infareness agree ako kay Joshua a. Ay ang bakla ko!

"Anong laro?" Singit ni Bailey.

"Dare or Bare. Normal na kasi pag Truth or Dare. Kaya yan nalang."

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon