Chapter 49

6.3K 131 26
                                    

Kazumi's note: play the video at the side para dama yung chapter :)

-------------------------------------------------------------------------

Chapter 49

Sazer's POV

"Kuya nasaan si ate?" Umayos ng upo si Renny habang nakatingin sa'kin. Kagigising n'ya lang pala. Sakto lang ang pagdating ko dito.

Namatay na. "Hindi ko alam." Inis kong sinagot habang kumukuha ako ng damit. Balak ko kasing maligo. Gusto ko munang magpalamig. Ayoko namang mag-inom dahil ako lang din ang maghihirap kinabukasan. Panigurado kasing kapag uminom ako ay magkaka-hang over ako bukas kaya magbababad na lang ako sa banyo.

"Eh? Nasaan nga?"

"HINDI KO NGA ALAM! WAG MO 'KONG TANUNGIN!" Napaatras s'ya dahil sa sigaw ko.

"Kuya sorry, hindi ko sinasadya..." Parang paiyak na s'ya habang sinasabi n'ya 'yan. Nilapitan ko agad s'ya at niyakap ko s'ya ng mahigpit. Ayokong matakot s'ya sa'kin. Hindi pa kasi s'ya fully recovered kaya baka hindi maging magandang epekto ang pagsigaw ko sa kanya.

"Pasensiya na Renny..." I sighed. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Put*kte lang! Baka maiyak ako sa harap ng pinsan ko! "Wag mo na lang muna akong tanungin about dun ha?" She slightly nodded at binuksan ko muna ang tv para naman may magawa s'ya dito sa loob habang ako'y naliligo.

Dumiretso na ako sa bathroom at sinampay ko na sa isang tabi ang twalya at mga susuotin ko after kong maligo.

Dumiretso ako sa bathtub at binuksan ko ang gripo nun. Nang makapuno na ako ng tubig ay binuhusan ko ito ng original soap na binili ko pa noon sa Canada. Then, nagbabad na ako at sumandal ako habang nakatingala.

"Nangyayari ba talaga lahat ng 'to sa'kin?" Parang sobra naman. Sobra-sobrang hirap na yung napagdaanan ko na pakiramdam ko ay isa lamang bangungot ang lahat ng 'to. Para kasing hindi na totoo. Napaka-kumplikado, pakiramdam ko tuloy eh pinaglalaruan ako ni tadhana. Kung parte pa rin ito ng 'karma' ko dahil sa ginawa kong paninira kina Lory at Grey noon, eh bakit parang mas dumoble ng sampung beses yung sakit? Parang sobra-sobra na yata yung ganti sa'kin. Ang sakit eh. T*ngina. Gustong-gusto kong sumigaw, manuntok, pumatay at kung anu-ano pa para lang mailabas ang galit ko pero eto ako ngayon, mas piniling tumambay sa bathroom para lang walang madamay at masaktan na iba. Hay naku, ibang klase. Naging mabait pa rin ako.

"Sh*t! Kanina ka pa! 'Di ka na nakakatuwa!" Hinugasan ko ang mukha ko dahil naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko. Peste! Simula nang maging parte na s'ya ng buhay ko, lagi na akong umiiyak. Nagiging bakla na yata ako. T*ngina. Pakamatay na lang kaya ako?!

Eh langhiya ka pala Sazer eh! Bakit ka magpapakamatay?! Sino na lang ang mag-aalaga sa pinsan mo?! Paano kung namatay ka na nga tapos i-grab ni Malan yung chance na patayin si Renny?! Og*g ka! Mag-isip ka nga!

Paano kaya kung ipakulong ko s'ya para 'di na s'ya makalapit sa pinsan ko?

"Sira ka Sazer. As if naman na magawa mo 'yun sa kanya." Iniisip ko pa lang na nasa loob s'ya ng kulungan, hindi ko na agad kaya. Tang inis talaga 'tong puso ko eh! Bakit ka ba tumitibok para sa kanya?! Wala namang kwenta yung babaeng 'yun eh! Sasaktan at sasaktan ka lang n'ya! 'Yun lang 'yon! Wala s'yang magandang maidudulot sa'yo kaya itigil mo na 'yang kahibangan mo sa kanya!

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon