Chapter 10

13.1K 213 29
                                    

Chapter 10

Malan's POV

Psh! Ang init naman oh! Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto ko. Kulang nga yung tulog ko kasi late na akong nakatulog kagabi. Nagkwentuhan pa kasi kaming apat pagkatapos naming kumain ng hapunan tapos ayun, 'di na namin namalayan yung oras. Bwisit! Wala pa ring kuryente! Sobrang init talaga! Makaligo nga muna! Marami pa namang ipong tubig eh.

Nagtoothbrush muna ako bago maligo. And then pagkalabas ko ng C.R. ay 8:14 na. Nagsuot lang ako ng pink blouse at tinernuhan ko ito ng shorts. Humarap ako sa salamin.

"Ang ganda ko talaga." Sabi ko habang nagpopolbo. Wag na kayong kumontra, hayaan niyo ng purihin ko ang sarili ko paminsan-minsan. Luckily, hindi ako nagkaroon ng eyebags. Bago ako lumabas ng kwarto ay kinuha ko yung papel kung saan nakasulat yung operation tapos inilagay ko ito sa bulsa ko.

"Good morning Lory." Bati ko nang makita ko siyang kalalabas lang ng kwarto niya. Mukha pa nga siyang zombie eh kasi puyat din siya eh.

"Oh ikaw pala...morning." Sagot niya habang naghihikab.

"Nagtoothbrush ka na ba?"

"Hindi pa."

"Eew!!!"

Tumawa siya nang mahina. "Joke lang. Teka nga, bakit parang blooming ka ngayon? Diba nagpuyat ka din?"

"Oo nagpuyat din ako. Kulang na kulang nga ako sa tulog eh."

Tumitig siya sa'kin nang naka-poker face. "Wow! Mukha ngang kulang na kulang ka sa tulog."

"Haha. Blooming ba talaga ako?" Pababa na kami ngayon ng hagdan nang itanong ko sa kanya 'yan.

"Oo nga, paulit-ulit?!" Natawa ako. "Siguro dahil 'yan kay Sazer 'no?" Ngumiti siya nang nakakaloko.

"A-ano namang kinalaman niya sa pagiging blooming ko?" Tumawa lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Nadatnan naming may nagkakape sa salas.

"Si Renny ba iyun?" Tanong niya.

"Malay ko, nakatalikod eh."

"Tara, lapitan natin." Lumapit kami sa kinaroroonan ni Renny. "Uy Renny, good morning." Bati ni Lory.

Parang naging slow motion ang paligid. Dahan-dahang lumingon si Renny at nung nakita namin ang kabuuan ng mukha niya ay bigla kaming...

"Hahahaha!"

"Sige, tumawa lang kayo."

"Hahaha! S-sorry Renny. Hahaha!" Nakahawak ako sa tyan habang umuupo sa couch. Grabe lang, ang gara talaga.

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon