Chapter 2

19.4K 372 55
                                    

Chapter 2

"Uuwi na agad kayo?" Tanong sa'min ni Lory. Bakas sa mukha n'ya na ayaw pa n'ya kaming pauwiin.

"Oo Ry-ry eh. Gabi na kasi." Sagot ni Sei.

"Haay, sige. Ingat na lang sa pag-uwi."

"Where's your son? Gusto ko na ding magpaalam." Tanong ko habang nililibot ang paningin ko. 

"Uhh...wait lang. Tatawagin ko lang." Umalis s'ya at bumalik kasama si Silver.

"Tita! Tito! You're going home na po?" Tita ang tawag sa'kin ni Silver bilang paggalang na din.

Lumuhod ako para maging kapantay ko s'ya. "Yup. It's too late na eh."

"Okay." Naging sad yung expression ng mukha n'ya. Aw, super cute naman talaga ng batang ito.

"Don't be sad. Bibisitahin pa naman kita paminsan-minsan eh." I smiled at him.

"Really?" I nodded. "Pati po ikaw tito Sazer?"

"Of course."

"Yehey! Sige po ba-bye na!"

"Nakalimutan mo yata yung kiss ko?"

"Ay! I forgot." Then he kissed me on my cheek with a cute sound.

"Magpapakabait ka Silver ah?" Sabi ni Sei.

"Opo tito Sazer." Pagkatapos ay nagpaalam na din kami kay Grey at kina Emerald.

Nasa kotse kami ni Sei ngayon. 'Di ko tuloy maiwasan na magsalita.

"Ang cute talaga ni Silver noh?"

"Yeah. Kamukang-kamuka n'ya si Grey. Sana lang eh h'wag ding maging manyak paglaki." Medyo natawa ako sa sinabi n'ya.

Tumingin ako sa bintana ng kotse. Nalungkot ako bigla nang maalala ko yung tungkol sa anak namin noon.

"Kung nabuhay kaya yung anak natin, sino kaya ang kamukha nya noh?"

Nagkaroon ng katahimikan. Tanging tunog lang ng kotse ang naririnig namin.

"Siguro ako."

Pinilit kong ngumiti. "Paanong ikaw? Hindi nga man lang natin nakita yung anak natin eh."

Hindi na s'ya nagsalita hanggang makarating kami sa mansion n'ya.

Ngayong araw na 'to, kinasal na naman ang taong mahal ko. Pero bakit kaya ganun? May nararamdaman pa ba ako kay Grey?

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon