Chapter 26

10.7K 177 23
                                    

Chapter 26

Sazer's POV

Panandalian akong napatahimik. Hindi ako maaaring magkamali. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking kasama din noon ni Malan.

"You look familiar. Have we met before?"

Napangisi ako dahil sa sobrang inis. Hindi na ako nakapagpigil na suntukin sya ng malakas dahilan upang bumagsak sya sa sahig.

"Oh my God!!!" Nilapitan agad sya ni Malan. Nakikita ko ngayon na nagpapanic sya. "Rency!"

"Okay lang ako.." Sagot ni Rency habag tinutulungan syang tumayo ni Malan.

Tinulak ako ni Malan at sinigawan."ARE YOU CRAZY?!!! WHY DID YOU DO THAT?!!!"

"Kasi kinuha ka nya sakin! Matagal ka nyang inilayo!"

Nagkaroon ng question mark sa kanyang muka. "Abnormal ka ba talaga?!"

"I remember you, ikaw yung lalaking nakita ko dati. Mukang alam ko na kung ano ang sinasabi mo." Napatingin ako kay Rency. "Hindi mo ba alam? Matagal na syang patay.."

"Gago ka ba?! Wag mo nga akong lokohin! Kitang-kita ng mga mata natin na nasa harapan lang natin si Malan!"

Tumingin sya kay Malan. "Babe, sa kwarto ka muna. May pag-uusapan lang kami."

"But---"

"Don't worry, I'm fine."

Tumingin muna ng masama sakin si Malan bago sya pumunta sa kwarto nya. Ibang-iba talaga ang tingin nya, parang hindi nya ko kilala.

"Tungkol sa sinasa---" I cut him off.

"Bakit mo ba 'to ginagawa ha?! Bakit ang tagal mo syang nilayo sakin?!"

"May gusto lamang akong linawin sayo.." Tinitigan nya kong maigi. "Oo, nilayo ko si Malan sayo noon. Bakit? Malamang alam mo na naman ang sagot dyan." Tiningnan nya ko ng masama. "Naalala mo ba ang mga ginawa mo sa kanya?! Ang lokohin, pagbintangan at palayasin?! Lahat ng yon ba naaalala mo?!" Napaiwas ako ng tingin. "Yan ang sagot sa katanungan mo kung bakit ko sya nilayo sayo."

Tiningnan ko ulit sya. "Anong nangyari pagkatapos?! Anong ginawa mo sa kanya?! Pinuwersa mo ba sya na kalimutan ako?! Ganun ba?!"

He smirked. "Kapal din naman ng apog mo no?! Haay, buti sana kung mapupuwersa ko sana syang kalimutan ka, kaso hindi eh. Araw-araw syang umiiyak. Halos mamatay na sya sa sobrang kalungkutan dahil sa mga pinag-gagawa mo!" Lumapit sya sakin at hindi na ko nagulat ng bigla nya kong suntukin. "Nang dahil sayo, nagpakamatay sya!!! Nang dahil sayo, wala na sya ngayon!!! Buhay pa sana sya! Marami pa sana syang pwedeng gawin!!!"

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon