Chapter 4

14.7K 218 44
                                    

Chapter 4

"Finally! Nakauwi na din!" Binagsak ko ang sarili ko sa couch. "Thanks ulit Sei huh?" Masaya ang araw na 'to para sa'kin kahit na nakakapagod.

Lumagpas lang s’ya at dire-diretsong umakyat sa hagdan.

Anong problema nun? Mood swings? Menopause?

"Hay! Bahala s’ya sa buhay n’ya!" Umakyat na din ako at nagpunta sa kwarto ko. Gusto ko na munang magpahinga. Kapagod kasi talaga eh.

Mga ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako makatulog kaya I decided na pumunta sa kitchen para makainom ng gatas.

Nand'yan pala s’ya?

Dumiretso lang ako sa ref para kumuha ng gatas.

Wala talagang pansinan ah?!

Umupo ako sa tapat ng upuan n’ya at ininom ko na ang gatas na kinuha ko.

Hey yow! Wazzup?! 'Di mo ba 'ko napapansin dito?! Asar 'tong lalaking 'to. Nakatingin lang sa kawalan.

Hmp!

Tumayo ako at naglakad ng padabog.

"Baka mabasag yung tiles dahil sa paa mo."

‘Yan lang talaga ang sasabihin n’ya?! Dapat pala hindi na lang s’ya nagsalita!

"Nakakainis ka! Alam mo ‘yun?!" Maglalakad pa lang sana nang bigla s’yang magsalita.

"Sorry na..."

Natahimik ako at tiningnan siya.

"H-ha?"

"Sabi ko sorry na.."

Matagal bago mag-sink in sa utak ko ang sinabi n’ya.

"Buti naman marunong kang mag-sorry!" Pero syempre joke lang ‘yun. Eto talaga ang sinabi ko,

"Ano bang problema mo Sei?" Tumabi ako sa kanya.

"Wala, may naalala lang kasi ako."

"Ano ‘yun?"

"Wala, hindi na importante ‘yun."

"Pero---"

"Tulog na ‘ko ah. Goodnight." Ginulo n’ya ang buhok ko at bago pa ako makapagsalita ulit ay wala na s’ya.

Ano kaya ‘yun?

----

Lumipas ang mga araw. Naging normal naman ang lahat. Bumalik na ulit yung dating Sei at masaya ako dun. Hindi kasi ako sanay na tahimik siya. Parang boring kapag ganun.

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon