Chapter 40

8.3K 130 17
                                    

a/n: dedicated to her kasi sobrang haba ng comment n'ya sa previous chapter, super kinilig ako :''> Thanks nga pala ha?

-----------------------------------------

Chapter 40

Pasimple kong pinunasan ang luha sa mata ko at lumunok bago lumapt sa kanya. Niyakap ko s'ya at sinabing..."Magiging maayos din ang lahat Sazer." Kabaligtaran ang sinabi ko. Hinding-hindi ko hahayaan na maging maayos ang lahat. Nang dahil sa mga sinabi n'ya, mas lalo akong nagising upang gantihan s'ya. Hindi na dapat pala ako nagpapakita ng awa sa kanya at higit sa lahat ay hindi na dapat ako maniwala sa mga pang-uuto n'ya. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya?

"Sana nga.." Nagkakamali ka. Hindi kita hahayaang maging maayos. Pahihirapan kita.

Nagpaalam muna ako na mag-ccr. Kinuha ko ang saklay ko at naglakad papasok sa comfort room. Humarap ako sa salamin at tiningnan ko ng maigi ang sarili ko. "Tandaan mo na hindi na ikaw si Malan. Matagal na s'yang patay. Matagal na s'yang ibinaon sa limot." Napakacold ng expression ng mukha ko. Para bang sa likod nito ay napakadami kong pinagdaanang ibat-ibang bagay.

Binuksan ko ang pouch ko at kinuha ko ang aking red lipstick. Ginamit ko ito at ngumiti ako ng mapait. Mas bagay sa'kin ang ganitong hitsura. Mas bagay sa'king magmukhang KONTRABIDA.

----

Pagkatapos pa ng ilang oras ay nagdesisyon na si Sei na umuwi. Nandito lang kami sa living room. Kanina pa s'ya tahimik, walang nagsasalita sa amin. Pinapakiramdaman ko lang s'ya.

Tiningnan ko kung ano ang ginagawa n'ya pero nakatingin lang s'ya sa may bintana, nakatulala. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Sazer?" Hindi s'ya sumagot pero nagpatuloy ako. "Kung gusto mo nang magpahinga pumunta ka na sa kwarto mo." Hindi na naman s'ya nagsalita. Nagpasya akong tumayo at iwan na lang sana s'ya pero...

"Grizelle, pwede ba kitang maging girlfriend? Subukan natin kung magwowork-out."

----

Kevin's POV

"Hoy bakit 'di ka pa umuuwi?" Tumigil ako sa pagkain at tiningnan ko s'ya. Kaliligo pa lang n'ya at bagong bihis. Ang sarap siguro n'yang yakapin, ang bango bango!

"Tinatamad pa 'ko eh. Mamaya na lang."

"Anong mamaya?! Umalis ka na! Pampasikip ka lang sa bahay ko eh!" Ibang klase talaga ang ugali n'ya, ang sama.

"Wow! Para namang sinabi mong sobrang taba ko!"

"Heh! Alis na! Nagkakalat ka lang eh!"

"Bakit ba highblood na highblood ka? Meron ka ba ngayon?"

"Wala! Naiinis lang ako sa mukha mo!"

"Aray, sakit mo naman magsalita." Tumayo ako at niligpit ang mga kinalat ko. "Wag mo muna akong paalisin. Lilinisin ko naman 'tong mga 'to eh."

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon