"Practice room." Cold nyang sambit at tumingin kay v hyung tsaka sakin. Ngumiti ako sa kanya pero parang inirapan nya lang ako. Luh, anong ginawa ko?

Tumalikod na sya tsaka sumunod naman si v hyung. Pero bago pa man sya makasunod ay kumindat muna sya sakin.

"May nagseselos na pagong, eunmi hahaha!" Mahinang sambit nya pero narinig ko naman.

Napailing nalang ako tsaka napatawa. Bakit naman magseselos si yoongi oppa?

"Hindi lang si Yoongi hyung ang nagseselos, noona"

Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Jungkook sa tabi ko. Tumawa naman sya ng makita yung pagkagulat ko.

"Kabute ka ba? Aish. Ginulat mo ako dun ah!" Sigaw ko sa kanya pero umiling lang sya tumawa muli.

"Tsaka— ano yung pinagsasabi mo? Hindi lang si yoongi oppa? Eh?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang sya tsaka tinaas-baba yung kilay nya. Luh. Pagkatapos nun ay bumalik na sya sa building.

Papasok na sana ako kaso nakita ko sya na nakatingin sakin. Nang mahuli nya akong nakatingin sa kanya ay agad na syang tumalikod at naglakad palayo.

Teka, anong ginagawa ni jimin hyung sa posteng yun? Kanina pa ba sya dun?

"Hindi lang si Yoongi hyung ay nagseselos, noona"

Bigla ko naman naalala yung sinabi ni jungkook sakin.

Nagseselos din ba s—

Sinampal ko ang sarili ko para magising na katotohanan na hindi si Hyung magseselos. Bakit naman sya magseselos diba?

Wala naman syang pake sakin diba?

————

Kinuha ko yung basket tsaka pumasok sa kwarto namin. Naabutan ko naman si Gayoung na nagaayos ng gamit nya. Napairap nalang ako tsaka kinuha na yung mga damit namin. Ako kasi ang nakaassign na maglaba ngayong araw.

Matapos kong makuha lahat ay naglakad na ako palabas ngunit hinarang ako ni gayoung.

"Tabi." Maikling sabi ko sa kanya.

"Okay, i'm sorry." Naguluhan naman ako ng sabihin nya yan. Anong ibig nyang sabihin? Bakit sya nagsosorry?

"Sorry sa ginawa ko sayo. Sorry kung nagalit ako sayo noon. I'm sorry, eunmi." Sabi nya at hinawakan nya yung kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Halatang halata eh.

"I'm sorry din."

Nakita ko naman ang pagbuo ng ngiti sa labi nya.

"Sorry kasi hindi ako magaling sa pakikipagplastikan kagaya mo." Sabi ko at tinabig yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

Halata namang hindi sincere yung sorry eh. Nagbabait baitan lang naman to eh. Sus, sorry daw. Don't me.

"Aish. Bakit ba ang arte mo?! Ako na nga tong nagsosorry eh." Sambit nya.

hyung || jiminWhere stories live. Discover now