Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Jessey Laine!"

Akala pa naman niya ay dadahan-dahanin siya ng kaibigan.  Iyun pala ay brutal pa rin siya nitong uusisain.

"What?  Ayokong mag-assume kaya tinatanong kita.  Did you, guys, have shshdrjdbfbf--"

Hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil tinakpan niya ang bibig nito.

"Jessey naman eh!  Stop stating the obvious," reklamo niya.  There's no way she can deny it to her best friend anyway.

Hinawi nito ang kamay niya na nasa bibig nito.  "OMG!  Kayo na ulit?!  Gosh, I'm so happy for you, bf!" sabi nito na bigla siyang niyakap at nagtatalon sa tuwa.  Ngunit imbes na mahawa siya sa saya nito ay natigilan siya.  Kumalas siya rito at umupo sa sofa.

"O, what's wrong?" tanong nito, may bahid pag-aalala ang tinig.  Tumabi ito sa kaniya.  "Don't tell me na hindi pa rin kayo nagkaaminan?"

Bumuntong-hininga siya.  "Ganu'n na nga, Jess.  Malabo pa rin kung ano'ng meron kami."

"What???  Eh bakit ka nakipagchorla nang walang malinaw na usapan?" panenermon nito.

"Eh kasi ang bilis ng pangyayari," nahihiyang katwiran niya.  "We were just talking and then the next thing I knew he's already kissing me."

"Drinoga ka ba niya?"

"Gaga!  Siyempre hindi.  Sa 'kin galing 'yung food and drinks eh, pa'no niya malalagyan ng drugs 'yon?"

"So siya ang drinoga mo?"

"Puta, Jess, seryoso please!" napipikon nang sabi niya.

"Seryoso naman ako ah," nakalabing sagot nito.  "Kung hindi kayo naka-drugs, how were you able to do 'it' without thinking of Michelle?  You just made him cheat on his girlfriend, ganun?"

Natigilan siya sa sinabi nito.  Agad na pumasok sa isip niya ang maamong mukha ni Michelle.  Maayos ang samahan nila noon.  They never had any issue in the past kahit girlfriend ito ng lalakeng mahal niya.  Michelle has always been nice to her.  Matagal niya na rin itong kilala dahil sa volleyball team at wala silang naging problema nito.  Michelle looks up to her as inspiration, she said it many times everytime magkakaroon ng pagkakataon na mag-usap sila.

And now, she sneaked behind her back.  She had a one-night affair with her boyfriend when she's supposed to be helping them patch things up.

"Wow, thanks for reminding me what kind of bitch I am, best friend," sarcastic na sabi niya.

Hindi siya kay Jessey naiinis. Sa sarili niya siya naiinis dahil ganu'n nga ang ginawa niya. Sobra siyang nagiguilty dahil hinayaan niyang mangyari ang nangyari. Walang kaalam-alam si Michelle. Ano'ng klaseng babae siya para maatim na gawin iyon sa kapwa niya babae?

"Hey, Mika, I'm sorry," sabi ni Jessey nang bigla siyang mapaiyak. Hindi niya na nakayanan ang bigat ng dibdib.  Guilt is starting to take over her.  Yumuyugyog na ang mga balikat niya dahil sa sobrang pag-iyak kaya niyakap siya nito nang mahigpit. "I'm not condemning you, okay? You know I love you so much, bf. Whether tama ka man o mali, I'll always be behind you.  Kakampi mo 'ko kahit anong laban pa 'yang masuutan mo. Pero ikaw lang naman ang iniisip ko, besh... Sa'n ka nakalugar niyan ngayon?"

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon