Thirty-second Page / March 17, 2017

164 24 2
                                    

March 17, 2017

Birthday ko ngayon.

Pero walang happy do'n.

Dahil wala na si Sandy, my life is a total mess now. Wala na lalong dahilan para maging masaya pa ako. Wala nang dahilan para manatili akong buhay.

Bakit 'yung mga taong kakampi ko, nawawala sa akin?

Una, si mommy. Ngayon naman si Sandy.

Bakit ba kasi ako nabuhay sa katawan na 'to?

Sa dami ng katawan sa mundo, bakit dito pa sa katawan ng lampa? Sa katawan ng walang kalaban-laban.

Pakiramdam ko ngayon, kalaban ko na ang buong mundo.

Sa galit ko kanina, napunit ko lahat ng papel na nakita ko. Lahat ng p'wedeng sirain, nasira ko na. Tutal sira na rin naman ang buhay ko, tangina, itodo na natin.

Isa yata sa mga nasira ko, ang birth certificate ko.

Pero wala akong paki.

Tangina.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon