Twenty-sixth Page / December 31, 2016

172 29 3
                                    

December 31, 2016

Nandito ngayon sa bahay si Sandy.

Mas pinili raw niyang dito sumalubong ng bagong taon dahil alam niyang hindi ako masaya sa ganitong mga okasyon.

Gustuhin ko man, ayoko namang gawing pilit ang pagiging masaya.

Nandito pa rin sa bahay si Zandaya. Hindi ko alam kung magaling talaga siyang umarte at magpanggap, o talagang santo siya dahil never pa niya akong sinungitan. But that doesn't mean na hindi na ako maiinis sa presensya niya. Sa totoo lang, mas naiinis ako kapag malapit siya sa akin.

Pakiramdam ko, umiiyak si Mommy habang nakatira si Zandaya dito sa bahay. Baka naaalala ni Mommy kung gaano siya nasaktan dahil sa panloloko ng tatay ko sa kaniya. Nagkaro'n pa ng bunga 'yung kalandian ng tatay ko.

Gusto ko pa sanang magsulat. Kaso tinatawag na ako ni Sandy sa labas. Sabi niya, limang minuto nalang bago magbagong taon. Sabay daw kaming tatalon.

Sige bababa na ak

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon