Third Page / August 23, 2016

656 57 9
                                    

August 23, 2016

Linggo ng wika ngayon.

Wala kaming ibang ginawa sa school kundi magtagalog. Ang sarap sa feeling na finally, naramdaman ko rin na nasa Pilipinas ako. Although hindi naman na talaga mawawala ang english dahil universal language 'yan.

Enjoy na sana ako habang nanunuod ng sabayang pagbigkas na pacontest ng school ngayong buwan, kaso dumating si Michael.

One simplest word to describe him, bully.

Kaklase ko siya kaya mas madalas, kasama ko siya at binubully lang ako.

Kagaya nga no'ng nangyari ngayong araw.

Putok ang labi ko dahil trip lang niyang sapakin ako.

At kung bakit hindi ako lumaban?

Simple lang dahil, ano bang laban ko sa kaniya?

Siguro kung ako 'yung dating ako, kaya ko pa. Pero ngayon, hindi na.

Malabo na.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon