Ninth Page / October 28, 2016

281 43 8
                                    

October 28, 2016

Matagal akong hindi nakapagsulat.

At dahil diary ka, gusto kong isulat sa'yo ang lahat ng mga nangyari sa akin. Kung bakit matagal akong hindi nakapagsulat sa'yo, at kung bakit ilang araw na akong hindi pumapasok sa school.

In this way, kapag nagpakamatay na ako, may lead na ang mga pulis. Hindi na sila mahihirapan maghanap ng ebidensya. Malinaw na suicide at hindi murder ang nangyari.

Ayoko munang isipin kung paano papatayin ang sarili ko. Next time nalang dahil marami pa akong isusulat sa'yo ngayon.

Two weeks ago, nag-PE kami.

It was a 50 meter run sa buong gymnasium. Ang mas mabilis tumakbo, may plus point sa exam. Maraming gustong makakuha ng plus point na 'yon, halatang mga umaasa lang sa plus dahil hindi nag-aaral.

Ang gusto ko lang ay makatakbo ng maayos. Nang hindi lumalaban dahil hindi ko naman kailangan ng plus.

Pero natalisod ako.

Tinalisod ako.

This time, it's Trisha. Ang secret girlfriend ni Michael na kaklase rin namin. Nasabi kong secret dahil ako lang ang nakaka-alam na on sila. Mahabang kwento at nakakadiring ikwento kung paano ko nalaman. Sa susunod ko nalang siguro ikukwento. Kung may susunod pa.

At ayun nga, tinalisod ako.

Dumugo ang ilong ko dahil do'n. Hindi rin agad ako nakahinga kaya pinagtawanan ako ng mga kaklase ko.

Imbis na tulungan nila ako.

Mas pinili nilang tawanan ako.

Sandy lend me a hand, but I refused to.

Pumunta nalang ako sa CR kahit sinabihan ako ng professor namin na pumunta ako sa clinic. Doon nalang ako naiyak. Para akong bata. 18 na ako pero ang bobo ko pa rin. Ang tanga-tanga ko. Umiiyak ako dahil lang pinagtawanan ako. Umiiyak ako sa banyo dahil ang lampa-lampa ko. Dahil ang hina ko.

18 na ako... pero para pa rin akong preschooler.

Nakakahiya ka, Matteo.

Akala ko malala na 'yung nangyari sa akin sa gym, pero bigla nalang namatay 'yung ilaw sa loob ng banyo.

Akala ko nawalan ng kuryente. Pero biglang sumara 'yung pintuan kaya nalaman kong may nag-prank nanaman sa akin.

Naiwan ako sa loob ng banyo, sa madilim na banyo.

Ang pakiramdam ko no'n, masikip ang lugar. Nag-iisa lang ako, at walang magawa kundi maghintay ng tulong.

Sobrang hina ko na nga. Ang duwag ko pa.

I passed out.

Nang magising ako, wala ako sa katinuan. Nang magising ako nasa ospital na ako, kasama si Daddy.

Ilang linggo ako sa ospital dahil nagkaro'n ako ng trauma. Na hanggang ngayon... hindi pa rin tuluyang nawawala. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako pumapasok.

At wala na akong balak pang pumasok.

Dahil wala naman na akong plano pang mabuhay.

Para saan pa?

Para paulit-ulit na pagtawanan?

Para paulit-ulit na ipamukha sa akin na lampa ako? Duwag? Tanga?

Ayoko na.

Ayoko... na.

Diary of a FeebleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon