Forty Four

7.6K 235 28
                                    

BASAHIN NIYO PO YUNG NOTE KO SA DULO NG CHAPTER NA TO. THANK YOU!!!!

__________

Switzerland

JENESIS' POV

Nakita kong lumabas si Harrison mula sa likuran ng isang bato. Nakawolf form siya pero alam kong si Harrison yun, may kagat siyang basket na medyo malaki. Late ko nang narealize na nasa loob ng basket si Tylan.

"Harry?! Anong ginagawa mo rito?! Hindi ba dapat ay nasa warehouse lang kayo ni Tylan?!" Gulat na tanong ni Dawn kay Harrison.

Chance ko na yun para kunin si Pierre mula kay Dawn dahil distracted siya.

Agad akong tumalon palabas sa pinagtataguan ko at tumakbo ng sobrang bilis papunta kay Dawn.

"Mama!" Sigaw ni Pierre.

"Mama?!" Naguguluhang tanong ni Dawn.

Nilingon niya ako at timing namang tumalon na ako para makuha si Pierre. Kinagat ko ang damit ni Pierre kaya naagaw ko siya mula kay Dawn.

Maingat akong bumaba sa lupa para hindi masaktan si Pierre. Pinasakay ko siya sa likuran ko at nagjog na ako papunta kina Dad at Jase.

"What are you doing here?! Hindi ba sinabi ko sayo na--"

"Mamaya mo na akong sermonan please." Sabi ko sa utak ni Jase. Tumango naman siya at hinarap muli si Dawn.

He growled loudly before walking towards her, slowly. He was taunting her.

"Why did you do that, Dawn? Bat mo ako pinaglaruan?! Bat mo pinalabas na ako ang ama ni Tylan?!" Jase.

Napaatras sa takot si Dawn, namutla na rin siya. "J-Jase, teka."

"Answer me or else! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Banta ni Jase bago tumingin kina Harrison.

Harrison growled. "Don't you dare, Jasen."

Alam kong hindi sasaktan ni Jase si Tylan. Hindi siya ganon, tinatakot niya lang si Dawn para magsalita.

"Wag si Tylan, please." Sabi niya, bumagsak naman ang kanyang mga luha.

Tingnan mo nga tong babaeng to. Kanina lang, grabe kung makathreat na papatayin si Pierre tas ngayon? Gosh.

"Start talking." Mariin na sabi ni Jase.

She closed her eyes, huminga siya ng malalim bago binuksan muli ang kanyang mga mata at nagsalita. "Dahil nga walang nangyari satin nung gabing yon, pumunta ako sa isang bar para maglasing. I was so desperate to have you already. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya uminom na muna ako. Nandun din pala sa bar na yun si Harry, magkakilala kami kasi nga galing ako sa Red Moon Pack noon at matalik kayong magkaibigan. Naikwento niya sakin na nahanap niya na ang mate niya kaso kasal na sa iba at iba yung totoong mate. Hindi ko narealize na si Jenesis pala yung tinutukoy niya, naisip ko lang yun nung nagising na ako sa umaga. Nalasing kaming dalawa at nauwi sa isang motel. Galit ako sa sarili ko nung malaman kong naibigay ko ang purity ko sa iba at hindi sayo, Jase. Ngunit, may planong nabuo sa utak ko. Natuwa ako nang malamang hindi gumamit ng protection si Harry kaya may possibility na mabuntis ako, and yes nabuntis nga ako. Also, nagtataka rin siguro kayo kung bat gray ang mga mata ni Tylan. Uminom ako ng isang eye changer drug for pregnant women, sobrang mahal nito sa pharmacy at buti nalang may pera pa ako sa bank account ko. It was dangerous for my baby dahil baka maapektuhan ang health niya pero yun ay kung pure human siya but no. Isang lobo ang anak ko so kaya niya. Lumabas siya na pareho kayo ng eye color. Sa DNA Test result naman, dinaya ko ang lahat. Naihack ko ang computer system ng doctor niyo so yung lalabas sa resulta ay kabaliktaran nung totoo. Everything was perfect already pero dumating yang anak niyo. Alam kong eepal talaga siya at masisira yung plano ko kaya ayan! Kinuha ko siya para patayin. Actually, matagal ko nang gustong patayin ang batang yan, nung sanggol pa. Nung nabubuhay pa si Leo, kinuha niya si Pierre, hindi ba? Papatayin na dapat namin yang batang yan eh! Ako rin yung nagpalagay ng lason sa pagkain niyo nung party sa mansion ng mga Knight. Tinakot ko ang mga caterer nung gabing dinedeliver yung mga pagkain sa mansion niyo, nilagyan nila ng lason ang mga pagkain at natuwa ako nang malason si Pierre kaso nailigtas siya ng doctor niyo," Marahas niyang pinunasan ang mga luha niya. "gusto ko lang namang makuha si Jase ulit eh! Siya yung mate ko! Akin naman talaga siya eh, alam kong may chance pang maging mate niya muli ako nung makabalik siya rito galing sa Pilipinas pero wala na. Nandiyan ka na, Jenesis, naunahan na ako. Ikaw yung mahal niya, ikaw yung totoo niyang mate, ikaw yung pinakasalan niya, ikaw yung binuntis niya at ikaw ang ina ng mga pup niya. I'd kill to be in your position pero wala na akong lakas. Ubos na ako, pagod na rin ako. Kahit anong gawin ko, matatalo pa rin ako. Sayo kasi umiikot ang mundo, Jenesis. Hindi sakin kaya ayoko na. Patayin niyo nalang ako." She cried.

The ProtectorWhere stories live. Discover now