Thirty Four

7.8K 254 64
                                    

Happy 67K! Thank you for waiting! Ily all :)

Real mate

JENESIS' POV

Nakahiga ako dito sa snow habang nakatitig sa frozen river dito sa tabi ko.

Wala pa akong balak umuwi kahit gabing gabi na. Nakamind link ko ang anak ko at iyak siya ng iyak dahil namimiss na ako.

Wala akong balak maglayas, sadyang ayaw ko munang makita ang pagmumukha nila.

I licked my paws, this is becoming a habit. Everytime na magsshift ako, lagi ko tong ginagawa.

"Jen, nasan ka? Kanina pang nagwawala si Jase dito sa mansion." Boses ni Selena.

"Uuwi rin ako, pero mamaya na."

"Anong oras?"

"Kapag tulog na siya," Sabi ko. "mind link me kung tulog na siya, okay?" Sabi ko in my Luna voice.

"Yes, Luna."

I sat up and yawned. I'm tired, super tired. Antok na antok na ako pero ayoko namang matulog dito sa labas. Hindi rin ako makahotel dahil wala akong damit at pera.

"Melissa, si Pierre?"

"Omygod! Jenesis, finally at kinausap mo na rin ako. Kanina mo pa akong iniignore eh," She sighed. "he's fine, nakikipaglaro kina TJ at Wilder. Tulog na kasi si Audrey. Kanina pang umiiyak to Luna, mabuti nga at tumahan na at nakipaglaro sa mga bata."

Gusto ko tuloy umiyak. Kasalanan ko kung bat umiyak nang umiyak si Pierre.

I'm sorry, baby. Mama's hurt.

"Pakibantayan na muna siya ha? Mamaya pa kasi ako uuwi," I sighed. "kumain na ba siya?"

"Opo, Luna."

"Okay, good. Sige, Melissa. See you later."

"See you, Jen. Mag-iingat ka please."

Tumingin tingin lang ako sa paligid, nakakakita naman ng maayos ang mga lobo sa gabi kaya no problem.

Natigil ako sa pagtingin nang may makita akong mga lobo at sa kabilang side ng river. Dalawa sila at parehong mga babae.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino yung isang wolf.

Si Dawn!

Pero mas lalo akong nagulat nang makitang may bump ang tiyan niya.

Omygod, she's pregnant!

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon