Forty One

6.7K 250 40
                                    

Last request

JENESIS' POV

“Hindi to totoo,” Sabi ko bago pinunit yung DNA result. “dinaya to ni Dawn.”

“Pano mo naman nasabi yan, Luna?” Tanong ni Rain.

“I saw her, nakita ko siyang lumabas mula sa clinic bago naganap ang test. Maybe she did something! Hind ako maniniwalang positive ang resulta. Hindi!” I yelled.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Dawn, agad ko siyang sinampal ng sobrang lakas. Namula naman ang kanyang pisngi.

“Ano bang problema mo?!” She yelled.

“You fucking bitch! Alam kong dinaya mo ang test! I'm sure you did something to make the result positive! Kilala kita, Dawn! Gagawin mo ang lahat para masira ang pamilya ko at makuha si Jase!”

Tumawa siya. “Of course, Jen! Gagawin ko talaga ang lahat para makuha ang ama ng anak ko dahil karapatdapat lang na makasama namin siya!” Diniinan niya talaga ang salitang ko.

I growled, naiyak naman yung anak ni Dawn sa gulat. Kinarga siya ni Dawn at pinatahan, sinamaan naman ako ng tingin ni Dawn.

“Walang naaalala si Jasen tungkol dunsa nangyari sayo! Wala siyang naaalala dahil wala talagang nangyari sa inyo!”

“May nangyari samin, Jenesis! Meron! Hindi niya lang maalala dahil sa alak! Pano ko rin naman madadaya ang resulta?! Wala na akong connection dito sa Alaska, Jenesis! Simula nung namatay sina Lukas at Leo, wala na akong kakampi! Wala na akong kasama! Wala! Ngayon, si Jase at Tylan nalang ang meron ako! Gusto ko lang namang makumpleto ang pamilya ko at lumaking may ama ang anak ko! Lahat naman siguro ng mga nanay, ganon ang gusto!” Tumulo ang mga luha niya.

“So pano kami ni Pierre? At itong pinagbubuntis ko? Wala na silang ama para magkaroon ng ama yang anak mo at maging buo ang pamilya mo?! Selfish ako sa pagmamay-ari ko, Dawn! Akin si Jase! Amin siya ng mga anak ko!” Sigaw ko.

Susugurin ko na sana siya nang may humawak sa magkabila kong braso at nilayo ako kay Dawn.

It was Jase.

“Jenesis, that's enough! You're pregnant, for fuck's sake!” Galit niyang sabi habang nilalabas ako sa kwarto ni Dawn.

Sinara na ni Rain yung pinto at binantayan yun. Humiwalay ako kay Jase at tinulak siya palayo sakin.

“Do not touch me.” Mariin kong sabi bago pinunasan ang mga luha ko.

Tumalikod na ako at hinanap ang anak ko.

Fuck this, ilalayo ko ang pamilya ko rito sa Alaska. Ayoko na rito, ang daming umeepal sa buhay namin. I'm taking Pierre and Jase to Switzerland.

Days later...

Nassupresa na ako sa mga nangyayari these past few days. Naging cold si Jase sakin at mas naging malapit kina Dawn at Tylan.

I was hurt and jealous.

Yung mga dati naming ginagawa kasama si Pierre ay kadalasan na nilang ginagawa. Mabuti naman at close pa sina Jase at Pierre. Ayokong masira ang relasyon nila.

Ayokong masira yung sa kanila pero yung samin ayos lang? Ganito naman talaga sa pagiging nanay eh, handa kang isakripisyo ang lahat.

Nandito ako ngayon sa balcony habang pinagmamasdan sina Jase at Tylan. Karga karga niya si Tylan habang nakaupo sa damuhan, si Dawn naman ay kinukunan sila ng litrato.

My heart ache. Asawa ko pa rin si Jasen, pagmamay-ari ko pa rin siya pero bakit ganon? Parang hindi ko na siya asawa dahil sa mga actions niya.

Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko, agad ko itong pinunasan. Hinaplos haplos ko naman ang tiyan ko habang nakatingin sa kanila.

The ProtectorWhere stories live. Discover now