Eight

10.1K 311 143
                                    

Warning: Maraming bad words.

Mate

JENESIS' POV

"Talaga?" I looked at him. "sino?"

"Secret na yon," Yumuko siya saka ngumisi. "tsaka, I'm not 100% sure if she's my mate."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ka sure? I thought your wolf instinct told you?"

"My wolf instinct didn't agree."

"Hala! Bakit?"

"I can't like her, hindi ko siya pwede maging mate."

"Bakit? Galing ba siya sa ibang pack?"

Umiling siya. "No."

"A vampire?"

Ngumiti siya. "No."

"Eh ano? Bat di gusto ng wolf instinct mo?"

He shrugged. "My wolf instinct told me that..malalagay ko siya sa panganib."

"Hmm," I blew my hair covering my face. "alam mo, kung bawal talaga. Wag mo nalang ipursue. Sa mundo niyo kasi, kung anong bawal, bawal talaga. Kaya delikado, delikadong magtake ng risk, tsaka kawawa naman yung mate mo kung ganon."

He looked at me, "So I should give up on her?"

Tumingin ako sa kanya. "Para sakin, oo. Pero kung mahal mo talaga siya, then go." I smiled.

Umiling siya at biglang sumimangot. "Wag nalang."

Tumango ako. Nabigla ako nang tumayo siya.

"Oh, bakit?" I asked.

"Bumalik ka na sa kwarto mo." Malamig niyang sabi.

Kumunot ang noo ko sa biglaang pagpalit ng mood niya. "May problema ba, Jase?"

"Wala," Bumuga siya ng hangin. "bumalik ka na. You need to rest." Sabi niya saka bumaba at pumasok sa bintana ng kwarto niya.

Pinatong ko ang kamay ko sa chest ko. Dinamdam ko ang puso kong tumitibok ng mabilis.

"Anong nangyari?" I whispered.

May nasabi ba akong mali?

****

"Goodmorning, Jenesis! Time to get up!" Boses ni Selena.

"Dali na, Jenesis! Jogging tayo!" Boses ni Melissa.

Kinunot ko ang noo ko, hinila ang kumot papunta sakin at tinakpan ang mukha ko ng unan.

"Hoy!" Sumigaw si Selena at hinila ang kumot ko kaya naexpose ang legs ko. Malakas si Selena kaya natanggal talaga ang kumot.

Pinatay ni Melissa ang aircon at tinanggal ang unan sa ulo ko. Nakasimangot kong mukha naman ang nakasalubong ni Melissa kaya natawa.

"Anong oras na ba?" I sleepily asked.

"6:11 am na ho! Tara na!" Selena

"Let's jog! The guys invited us!" Melissa

Nang maimention niya ang 'guys' pumasok sa isip ko si Jase. Pati na rin yung pagbabago niya ng mood kagabi. Kinabahan naman ako.

"Kayo nalang, dito lang ako." I smiled.

"Eh? Dali na! Magjjog kami bilang mga tao." Selena smiled.

"We won't shift!" Melissa winked.

Napangiti naman ako. "That's sweet, pero baka di kayo sanay na magjog bilang mga tao."

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon