Bagyo

18 1 1
                                    

Hindi naman sa gustong umasa
Sapagkat ika'y alam ko'y parang bagyo kung manalanta
Ngunit alam ko rin tulad ng bagyo hindi mo nais manalasa
Kung saan man mapadaan ang bugso ng hanging nararamdaman
Ihip nito'y halos 'di makayanan
At dahil sa ako ay hinang-hina
Mabilis akong nadadapa

Bakit pa ba ako tumaya
Kung alam ko'y hindi ka naman malaya
Tulad sana ng bagyo na tuluyang naglalaho
Pagkatapos manatili ika'y lumalayo
Ngunit kuntento na sa aking kapangalan
At ika'y masaya kaya't ito ay isang karangalan

Ikaw sana maging isang matalik na kaibigan
Bugso ng damdamin aalisin at papabayaan
Sapagkat ika'y isang bagyo kung manalanta
Kay saklap nga naman dahil hindi mo nais manalasa
At hindi ko rin naman gustong umasa

With My WordsDär berättelser lever. Upptäck nu