Chapter 15: Pagkatapos ng isang buwan.. (Part 1)

Start from the beginning
                                    

"Gets, Kuya Zen, salamat talaga!!! Ang galing mo talaga!!!" sabi ni Brace at napayakap kay Zen.

Meanwhile, sa labas ay binuksan ng nanay ang pinto. Pumasok si tatay na halos hindi na makalakad ng maayos.

"Hun, hun! Ayos na, ayos na!" sabi ng nanay at tinulungang makalakad ng maayos ang tatay. Nahigpitan niya ang hawak at sinakap niya ito dahil ayaw pang tumino.

Nagalit bigla ang tatay. Nag-iba mga mata niya, at nagalit siya, nawala na sa sarili.

"BITAWAN MO AKO!!!" sigaw niya, at nasuntok ng malakas ang nanay.

Lumabas na sina Zen at Brace. Agad na nilapitan ni Brace ang tatay, ngunit nasipa siya agad ng malakas, napatalsik siya sa malayo.

"BRACE!!!" sabay na sigaw ng nanay at ni Zen.

Lumapit si Zen sa natumba niyang kapatid na si Brace.

Kinalaban naman ng nanay ang tatay, hand-to-hand. Natatalo ang nanay, hanggang sa masipa siya sa tiyan na nagpahina na sa nanay.

"NAY!!!" sigaw ni Zen.

"Ikaw, lalaban ka? Susunod ka na ba?" tanong ng tatay at nilabas ang isang kutsilyo. Tinutok niya ito sa nanay. Sumugod naman na si Zen.

"You left me with no choice, dad. Ginusto mo ito, pinilit mo lang ako." Ani Zen.

Tumakbo na si Zen ng pinakamabilis niya at gamit ang taekwando moves, nasipa ko siya ng malakas at nabitawan na niya ang kutsilyo.

Napatigil muna si Zen sapagkat nasaktan niya ang tatay niya. Akala niya hindi na ito lasing, pero lasing pa rin pala. Nakabangon na siya agad at agad na sinipa si Zen, napatigil siya at napadulas. Kinuha ng tatay ni Zen ang kutsilyo at naisipang saksakin si Zen sa leeg habang tumba siya, pero mabuti na lang at napigilan ito ni En. Nag-tulakan sila sa kutsilyo. Tinutulak ni Zen ang kutsilyo pataas, samantalang tinutulak ng tatay ang kutsilyo pababa upang masaksak si Zen. Nananalo na halos ang tatay sa husay niya, ngunit nag-beast mode si Zen. At nang hindi inaasahan, nasobrahan ang puwersa niya. Imbis na maalis lang ang kutsilyo, nabaliktad niya ito at nasaksak sa leeg ang tatay niya.

Napatigil agad si Zen sa nagawa niya at napahagulgol.

"Tay!!! Sorry!!!" sigaw niya.

Bumangon na sina Brace at ang nanay nila at humagulgol na rin.

Naintindihan naman ng nanay ni Zen at ni Brace ang nagawa niya sa tatay nila, pero ang iba..hindi. Kumalat ang balitang ito kaya natakot na sila kay Zen simula nun. Wala nang kumakausap kay Zen sa barangay nila. Pero hindi pa rin sumuko si Zen sa kabila nito. Hindi siya nagpaapekto, nagpatuloy naman siya sa mga pangarap niya sa buhay ngunit naging cold-hearted na siya simula nito. Tahimik lang lagi dahil ang tatay niya ang kanyang naiisip palagi. Takot na siya sa alak simula ng pangyayari.

**End of Flashback**

Naghalikan kami ni Zen sa dilim nang magkadikit na kami.

"Alam mo, Zen. Parehas talaga tayong takot na takot sa alak. Ako mismo, takot na takot sa alak dahil yun ang ikinamatay ni Alexandra. Yun ang ginamit ng killer para mapatay iya. Bagay talaga tayo, noh? #ZenLey nga, as they say." sabi ko sa kanya at naghalikan kami muli. This time, nilaliman at tinagalan namin.

Samuel Ausan's Point of View

Magkasama kami ni Heaven ngayon sa library. Magka-crush kami at iniintindi namin ang isa't isa. Bawal pa kami parehas ng kasintahan. Pero unti-unting nagiging close ang mga magulang namin sa buwan ng Agosto. Alam niyo kung ano nangyari?

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now