Chapter 22: Advice

Start from the beginning
                                    

As I reached the third floor, I looked down and students were already busy training for the duel match on the field. Hindi na rin masyadong nagka-klase ang mga instructor namin dahil busy rin sila sa paghahanda at para narin makapag-handa ang mga estudyante.

While me? I just want to sleep. I don't care about anything.

Napahikab ako habang diretsong naglalakad sa hallway papuntang classroom when someone grabbed my bag from me.

They're at it again.

May mga tumatawang babae sa likod ko and when I looked at them, napakunot ang noo ko. Sino na naman ba ang mga 'to? Another batch of bullies?

"Eww, you make hawak it. I don't want my kamay to get dirty," maarteng sabi ng babaeng mukhang bibe sa mga alalay niya.

"You, Chloe, hold it. My gosh! This is so kadiri," sabi ng alalay sa isa pa niyang alalay.

I mentally rolled my eyes.
Tahimik lang akong nanonood sa kanila at kung paano nila pinag-pasahan ang aking bag.

That Chloe put up an evil smile at hinulog lahat ng mga gamit ko sa bag sa sahig. Nag tawanan naman sila, maging ang mga estudyanteng napapadaan sa hallway.

"Poor you. You're so pangit na nga. Cheap pa. Ewww."

Napayuko ako para kunin ang mga nahulog kong gamit pero bigla nila itong tinapakan at nagtawanan. Patuloy ko pa ring pinupulot ang mga gamit ko when someone harshly grabbed my hair. I secretly cussed dahil sa sakit.

"You nerd, tumigil ka na sa kakadikit kay Ren if you want us to spare your life. Ren is mine." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya. She sounds like an obsessed whore.

"Hindi ako dumidikit sa kanya." I'm not a glue duhh.

Napataas ang kilay nilang apat, "Ows? Then anong rumor ang naririnig ko that kayo raw?"

"If I'm not wrong, rumors are statements that isn't true or not yet proven. Stop acting like you own him. He'll never be yours," diretsa kong sagot sa kanila. Their mouth hang open at para na silang mga tigre na gusto akong lapain.

"How dare you talk to me like that—”

"Anong kaguluhan 'to?"

Napatigil sila sa attempt nilang sabunutan sana ako when we heard a voice coming from behind.

Napalingon sila at nakita ko pang napalunok sila when they saw one of the member of the Alpha. Hindi ko alam kung sisigaw sila sa kilig o matatakot of what they did. Tsk.

"S-sir Ice! He-he-he."

Ice coldly looked at them at napunta din sa ‘kin. Dahan-dahan bumaba ang tingin niya sa mga gamit kong nakakalat sa sahig at madumi na.

"A-ah sir Ice! Hehe napabisita ka dito. Is there anything we can do for you?" she asked yet her voice was trembling.

Tinignan niya ako ng may pagbabanta na 'wag magsumbong kay Ice. I looked away. Wala akong pakialam kung anong gusto nilang gawin.

"Yeah," sagot ni Ice.

Naging alisto naman sila at parang tuwang-tuwa pa.

"W-what is it?" they asked excitedly.

Tiningnan ako ni Ice at sa mga nakakalat kong gamit. Mukhang alam ko na ang gagawin niya.

"Pulutin niyo ang kalat na ginawa niyo. I want it to be clean just like before as you return it to her." tumingin sa ‘kin si Ice.

They looked at me as if I'm the worst person in the world. Wala naman akong ginawa, ah. Sila nga 'tong nauna.

Unti-unti silang yumuko at nilinis ang mga gamit ko habang sinasauli nila sa aking bag. They're working in silence while Ice is still looking at them. Wrong timing naman kasi sila sa pangbu-bully sa 'kin.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now