Habang naglalakad patungo sa Library. Bigla pumasok sa isipan ko si Lark at bumigat nanaman ang pakiramdam ko. Di parin mawala ang pagaalala ko kay Lark kahit anong gawin ko. "Ano kayang pwede kong gawin para matulungan ko si Lark?" Bulong ko sa sarili.

Napasabunot ako ng buhok dahil sa  inis. Naiinis ako dahil wala akong magawa para mapagaan ang loob ni Lark. Sinubukan ko huwag muna siyang isipin at binilisan ang paglalakad.

Habang tinatahak ang kahabaan ng pasilyo nalagpasan ko ang palikong daan patungo sa babang bahagi ng gusaling ito ng may maaninag akong dalawang estudyante seryosong naguusap. Babalewalain ko sana ng makilala ko ang isang pamilyar na boses.

"Teka si Ivon yun ah? anong ginagaw—" Napatigil ako sa pagsasalita sa sarili ng makilala ko ang kasama niya. Ka-kasama niya si Luke, Pero kailan pa siya nakarating? Marahil tama nga yung kumakalat ng balita na dito narin siya magaaral. Ano ginagawa nila sa ganitong lugar at sa di pa matao?

Aalis na dapat ako dahil di ko rin gawain ang makinig sa usapan ng iba subalit napahinto ako ng marinig ko nabanggit ang pangalan ni Lark.

"Oras na galawin mo si Lark kahit hibla lang ng buhok niya di kita mapapatawad" Boses ni Ivon. Habang Sinasambit ang mga 'yun ramdam ang galit sa bawat salitang binibitawan niya. Ano ang pinagtatalunan nila. Bakit nasangkot si Lark sa usapan nila?

Hindi sumagot si Luke sa turan ni Ivon subalit tumawa lang ito ng tumawa.

Palakas ng Palakas na parang nasisiraan ng bait.

"HUWAG MO AKONG TATAWANAN LUKE. SERYOSO AKO MAPAPATAY KIT—"

"Kaya mo?" natigil lang sa pagsigaw si Ivon ng magsalit muli si Luke.

"Sige, Gawin mo Ivon pero bago mo pa man magawa 'yan ay napatay ko na siya" dugtong pa ni Luke.

Kinilabutan ako sa tono ni Luke, parang tagos sa kaluluwa ko at kumalat sa buong sistema ko. nakaramdam ako ng takot sa bawat bitaw na salita niya. 

Pinagpapawisan ako ng malamig at di makakilos. Alam kong mali ang makinig pero di ko magawang umalis. Delikado man subalit nanatili ako sa pwesto ko.

Di inaasahang ng mabanga ko ang isa sa mga baluting bakal na nakatayo sa gilid ng pasilyo na naglikha ng ingay.

"Sino ang nandyan?" Sigaw ni Luke.

Tinakpan ko ang bibig ko ng dalawa kong kamay, natatakot ako... Katapusan ko na ba ?? para di 

Narinig ko papalapit ang mga yapak ng sapatos sa lugar kung saan ako nagtatago. Sinubukan ko igalaw ang mga paa ko pero di ito sumusunod sa gusto ng utak ko. Parang nasimento ang mga paa ako at kahit anong gawin ko ayaw parin gumalaw

"Gu-gumalaw ka.. Gumalaw ka" Naluluha kong sabi. Kailangan ko na maka alis dito.

Mas lumakas ang yapak at alam ko malapit na siya sa akin kaya naman pinikit ko ang mga mata ko at inihanda na ang sarili.

"O! Ivon, Luke ano ginagawa niyo sa ganitong lugar? Pinagbabawal kayo pumunta sa gawing ito ng walang pahintulot"

Boses ni Head Master...

"Head Master Jacob kayo ho pala, wala naman po. Sinasamahan lang ako ni Ivon sa paglilibot sa buong Laraym para maging pamilyar sa lugar at may importanteng pinagusapan lang po kami . Tama ba Ivon?" pagpapaliwanag ni Luke

"Ganun ba? Sige na bumalik na kayo sa kanya-kanya niyong mga dorm at magpahinga. Sa ngayon ay palalagpasin ko ang ginawa niyo dahil bago ka lang dito pero ipangako niyo di na mauulit. Maliwanag" Pagalit ni Headmaster at parehong sumangayon ang dalawa sa turan ni Head Master.

Sinilip ko bahagya sila para makita ang nangyayari pero kaagad naman ulit ako nagtago ng biglang lumingon sa gawi ko si Luke. Hindi na ako pwede magtagal pa dito at baka mahuli pa ako, kaya naman sinubukan ko umalis na si kinatataguan ko at nagawa ko nang makaalis.

Mabilis ko nilisan agad ang lugar na iyon sa buong makakaya ko kahit nanginginig ang buong katawan ko.

 "Ano ang kinalaman ni Lark sa usapan nila at bakit niya sinabing papatayin niya si Lark? BAKIT?"

*****

A/N
Sorry sa short update
salamat sa mga bumoboto at nagbabasa ng kwento.

Nakatanggap naman ako ng ilang comment sa previous chapter na na Halloween Special. Alam ko di maganda ang chapter na iyon pero di kasi ako matunong gunawa ng kababalaghan kaya humihingi ako ng tawad

Salamat sa inyo at sana patuloy niyo parin ako suportahan hanggang sa huli :)

xoxo

Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]Where stories live. Discover now