Chapter 8: Princess Ivon (Unedited)

487 53 8
                                    

dedicated to my very good friend VincentNicoSantos

hope you'll like this nicx :)

****
Previously on Lost Phantasia

"Sino ka at anong kailangan mo?" tanong ko sa kakarating lang nababae

"Matuto kang gumalang bata di mo ba nakikilala ang nasa harapan mo ang Pri—"

"Ayos lang Roxy ako na bahala." Putol na sabi nito kay Roxy

"O-opo mahal na prinsensa." sagot ni Roxy na puno ng paggalang

"Ikaw, Ikaw pala ang prinsesa? ano naman ginagawa ng prinsesa sa ganitong lugar?" panghahamon kong tanong. Ngunit di ito nagsalita.

Di nagtagal ay dahan dahan nito iniangat ang Hood nito at unti unti kong nasisilayan ang mukha nito.

Nang maibaba na niya ang Hood. Nanlaki ang Mata ko dahil ang taong tinatawag nilang Prinasesa ay walang iba kundi si...

"I-Ivon?"
****

Lark Veliche's POV

"I-Ivon?" Di makapaniwalang tanong ko. Naguguluhan ako, ano ginagawa ni Ivon dito. Sino tinatawag na Prinsesa? Si Ivon ang Prinsesa?

"I-ikaw ang Prinsesa? totoo ba 'tong mga nalalaman ko? Na ikaw ang Prinsesa? A-akala ko ba anak ka ng isang Duke sa bayan?" Lumapit ako sa kanya at pareho kong hinawakan ang balikat niya at niyugyog ko ito ng marahan. "...I-Ivon, nagbibiro kalang diva? magsalita ka. MAGSALITA KA.. Aaarggh—." Nakita ko nalang ang sarili ko sa sahig. Marahil pinatamaan ako ng espeda ni Roxy.

"Huwag mong sasaktan ang mahal na Prinasesa lapastangan." May panggagalaiting sabi ni Roxy.

"Roxy, Tama na. Walang kasalanan si Lark dito." May pag aalalang turan ni Ivon.

"P-Pero mahal na Prinsesa sinasaktan k—."

"SINABI KONG TAMA NA. NARINIG MO BA ANG SINABI KO? GUSTO MO BANG PATAWAN KITA NG KAPARUSAHAN DAHIL SA PAGSAWAY MO SA AKIN?." Narinig kong napasigaw na si Ivon kay Roxy.

"Patawad po Ma-Mahal na Prinsesa." Napayuko ng kaunti si Roxy at Masama akong tinitigan.

Agad naman lumapit sa akin si Ivon upang alalayan ako bumangon. Subalit tinabig ko ang mga kamay niya sakin.

Oo di lang ako ang naglihim dito. Pero sana— Sana sinabi niya rin ang totoo.

Nabigla si Ivon sa aking ginawa at bakas sa mukha niya na nasaktan siya.

"Hindi mo ako dapat hawakan Mahal na Prinsesa." May pait na pagkakasabi ko "...Wala akong karapatan mahawakan ng isang tulad mo sa mababang tulad ko."

Alam ko masakit pero ito ang tama. Hindi siya nararapat mapasama sa amin. Sa mababang nilalang. Isang patapon. Basura.

"Peto Lark nandito ako para tulungan kayo—"
hindi ko na siya hinayaang makapagsalita muli. Lumingon ako sa kanya at malungkot na tumingin.

"Lumayo kana sa akin." Sabi ko kay Ivon.

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya at kinabigla ko. Biglang Nanlambot ang puso ko nang makita ko luhaan ang mga mata nito. Subalit kailangan kong maging matigas. Kailangan kong maging matapang. Baka ikapahamak lang niya kung patuloy parin siya lalapit sa akin.

"Iv- Mahal na Prinsesa patawarin mo ako pero di na kayo dapat pang lumapit sa akin."

Malungkot niya akong tinitigan at nakikita ko bumabagsak ang mga luha niya. Gusto ko man siyang lapitan at yakapin ng mahigpit subalit hindi na maaari.

Tumalikod na ako sa kanya at lumakad na papalayo. Napahinto ako ng maramdam ko may mga dalawang braso bumalot sa mga bewang ko.

"Lark, patawarin mo ako at naglihim ako sayo. Gi-ginawa ko lamang yun kasi ayoko magbago ang trato mo sa akin. Ayoko mangyari yun. Maraming masasayang bagay ako naranasan kasama ka. Gusto ko manatili sayo." Tugon niya sa gitna ng mga hikbi niya.

Ako rin naman gusto ko manatili ka pero, di na maaari. Hinawakan ko ang mga braso niya at dahan dahan kong tinanggal sa pagkakayakap. Nang makabitaw na siya sa akin ay nagpatuloy muli ako naglakad papalayo.

Subalit nakakailang Hakbang pa lang ako muli ako nagsalita.

"Mas ligtas ka dito. Hindi kana pwedeng sumama sa akin. Mas makakabuti sayo ang bumalik kung saan ka nararapat." Unti-unti akong lumingon sa kanya at binigyan siya ng malungkot na ngiti. Konti nalang babagsak na ang mga luha ko. Nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan ang Mahal ko. Pero hindi ako nababagay sa pagmamahal niya.

"Hayaan mo nalang kami makaalis at mula ngayon di na kami muling magpapakita. Pinapangako ko."

At tuluyan na ako lumayo mula sa kanya.

Nilapitan ko na si Garen at inalalayan ko nang tumayo.
Kita ko rin sa mukha ni Garen ang pag aalala sa akin. Kaya naman nginitian ko nalang siya.

Habang unting-unti kami papalayo paalis sa lugar na ito. Narinig kong Sinigaw ni Ivon ang pangalan ko ng paulit ulit. Ramdam ko sa bawat salita niya ang sakit na nararamdaman niya.

Ngunit hindi ko na siya muling nilingon pa at tuluyan na nakalabas ng palasyo.

"Paalam Ivon." bulong ko sa hangin.

****

Huhuhu naiyak ako dito.
yun na ba ang huki nilang pagkikita?

abangan niyo ang susunod na kabanata:)

Please Comment and Vote :)

xoxo

Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon