Chapter 12: Laraym Academy

558 55 10
                                    

Lark's POV

"Handa na ba ang lahat?"
tanong sa amin ni Ginoo– ah ibig kong sabihin Head Master.

Pareho kaming nakatayo ni Garen sa harapan ni Head Master. Ngayon handa na ang lahat ng gamit na dadalhin namin at anumang oras aalis na kami.

"Wala na ba kayong nakalimutan? Di bale na baka di niyo narin yan magagamit kailangan niyo narin bumili ng mga bagong masusuot sa oras na magkaroon kayong dalawa ng libreng oras. Hmmmm.. Paano alis na tayo?" Tumango naman kaming pareho sa tanong ni Head Master Jacob bago lumabas na ng bahay.

Sa huling pagkakataon nilingon ko ang bahay kung saan kami lumaki at nagkaisip ni Garen.

Ito na ang huling beses kong makikita ang bahay namin. Maraming masasayang ala-ala nangyari sa bahay na ito, kasama narin ang ala-ala namin kay Ivon noong panahon na nakasama pa namin siya.

"Laaaaaaaark! dalian mo at maiiwanan ka na namin." Narinig kong sigaw ni Garen sa akin. Medyo nakakalayo na sila.

Tumingin uli ako sa bahay at tumalikod.

Tumingala ako sa kalangitan at malapad na ngumiti, dahil sa araw na ito magbabago na ang lahat sa buhay namin at sisiguruhin ko na lahat ng pangarap ko ay matutupad.

"Papunta naaaaaa. Antaaaaaay." Sigaw ko pabalik at masayang tumakbo papunta sa kanila.

****

Nandito kami ngayon at nakaupo. Sa totoo lang kanina pa kami nakahinto dito kaya naman di na ako nakatiis magtanong.

"Ah Head Master, Uhhh.. Mawalang galang na po pero kasi bakit po tayo huminto?" tanong ko kay Head master.

Nakita naman namin ni Garen na parang di mapakali si Head Master at parang may tinatanaw sa malayo o kaya naman parang may inaantay o hinahanap.

"Tsk, bakit ang tagal naman.!" Sabi sa sarili ni Head Master. Lumingon sa amin si Head Master at napakamot ng ulo.

"Pagpasensyahan mo na ako iho, inaantay ko lang ang susundo sa atin papuntang Akademya." Sagot ni Head Master

Tumango nalang ako sa naging sagot ni Head Master kaya naman nag guhit guhit nalang ako sa lupa at nilibang ang sarili.

Naramdaman ko naman tumabi si Garen sa akin at nagtanong. "Huuy. Lark ano daw sabi ni Head Master? Matagal pa ba?" pabulong sa akin ni Garen

"Bingi kaba? sinabi na ngang wala pa di ba!" bulong ko rin sa kanya.

Halatang nababagot na din si Garen, di na kasi makatiis. Buti nalang di nagtagal ay natanaw na ni Head Master ang inaantay niya. "Oh nandyan na pala. Mga bata nandito na ang sundo natin. Buhatin niyo na mga gamit niyo."

Napatingin kami sa paparating na karwahe. Sa itsura palang nito halatang hindi pangordinaryo tao ang sumasakay dito. May mga magagandang disenyo ito na kulay ginto at kulay pula naman ang kabuoan nito kaya naman agad kaming tumayo ni Garen at inayos ang mga gamit namin.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]Where stories live. Discover now