Chapter 6: The Culprit, Part 1 (Revised)

791 51 32
                                    

Don't forget to comment and vote 🙂

Enjoy wattpading
****

Lark Veliche's POV

*Sa Bayan

"Anong klaseng kasuotan yan?" Taas kilay na tanong ni Ivon.

Nagtataka siguro siya sa kasuotan ko. Sino naman di magtataka kung balot na balot ng tela ang buong mukha ko at may suot pang lumang kapa. Para akong manglalakbay muka sa malayong lugar.

Di ko maaaring sabihin ang dahilan at ang tunay kong pagkatao sa kanya na isa akong mang-uumit. Kilala ako sa buong bayan mula pagkabata gawain ko na ang mang-umit kaya kailangan kong mag ingat.

"Uuuh... H'wag mo nalang ako itindihin, magmadali nalang tayo mamili." Paiwas kong sagot kay Ivon.

Ngayon kasi mamimili kami ng mga damit na magagamit niya sa pang araw-araw. Kung di ko damit minsan damit ni Garen ang sinusuot niya. Nagagalit na nga yung isa dahil siya pa raw ang nawawalan ng masusuot kaya napagdesisyunan kong dalhin siya dito sa centro ng bayan para bilhan siya ng masusuot niya.

habang inaayos ko ang sarili ko kapansin-pansin ang kakaiba kasuotan nito. May suot itong malaking sumbrero gawa sa hinabi na  dayami at nakapa-ilalim ang buhok nito sa loob. Halos natatakpan ang buong mukha nito.

"O eh Ikaw, bakit nakasuot ka ng malaking sumbrero?" Pabalik na tanong ko sa kanya.

Biglang siya nag-iwas ng tingin at di rin mapalagay. Agad siyang tumalikod at pautal-utal na nagsalita.

"Ha-hah? wa-walaaaa... Ma-mainit! Tama mainit ang panahon! Hoooo grabe ang init. He-he-he."

"Talaga?" Mapanuri kong tanong sa kanya at nilapitan siya.

"O-oo mainit." Sabay paypay sa mukha niya gamit ang kamay. Napapa atras siya sa tuwing lalapit ako sa kanya.

Hmmm nakakapagtaka, may tinataguan rin kaya siya? Pansin ko panay lingon niya sa paligid at bahagyang tinatakpan ang mukha kada may papalapit na tao sa amin. Napansin ko y'un simula pag pasok namin dito sa sentro.

Pinanliitan ko siya ng mata at pumunta sa harapan niya. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin at yumuko. Magtatanong pa sana ako ng bigla niya akong pangunahan sa pag sasalita

"Ah! Ayun! Magaganda ang mga damit doon at mukhang mumurahin lang di gaya ng mga pasadya mas mahal at matagal. Pero kahit na magaganda naman ang kalidad." Sabi niya at pumunta sa tindahan kung saan siya nakaturo.

Sinundan ko siya ng tingin at napatingin din ako sa kalangitan.

Mainit? makulimlim naman?

Di ko nalang pinansin at nagkibit balikat saka ko inayos ang takip sa mukha at sinundan na siya sa tindahang tinuro niya.

****

"Wow! Ang gaganda ng mga bestida at damit na binili natin. Di na ako makapag antay makauwi at masukat ang lahat ng mga ito." Sabay yakap sa mga pinamili namin.

Kasalukuyan kami ngayon naglalakad dala dala ang mga pinamili niya. Nakangiting lumingon si Ivon sa akin at huminto.

Hinarap niya ako at tinanong "Sigurado ka bang di ka bibili ng para sa iyo?" Umiling ako habang wina-wagayway ang kamay bilang pag-tanggi. "...Hi-Hindi na Kailangan, masaya na akong makita kang masaya ayos na ako doon." Sagot ko at pilit na ngumiti kay Ivon.

Napansin ko naman namula ang pisngi niya at napahawak sa pisngi ng bahagya.

"Ga-Ganun ba? Sige, hehe tara nagugutom na ako may alam akong masarap na kainan na malapit dito." Nahihiyang tugon nito at nauna lumakad sa akin. Pulang pula ang mukha nito kaya di maiwasan magtaka.

Lost Phantasia: The World of Azuregard [REVISING]Where stories live. Discover now