"Good night clumsy!" 

"Good night din pangit!" What?! Tinawag niya akong pangit. 

"Hoy! Hindi ako pangit! Mahiya ka naman!"

"Basta pangit ka! Yun na yun!"

Pareho kaming napatayo kung nasaan man kami.

"Alam mo ikaw! Ang ingay ingay mo! Ang clumsy clumsy mo pa! Pikon!"

"Kung hindi ka sana nangbwisit edi sana mahimbing na tayong natutukog ngayon! Pangit!" 

"Hindi ako pangit ah!!"

Hihiga na sana ulit si Rhian, ng maapakan niya ang kumot na nakakalat sa sahid. At bigla itong napatumba sa akin, kaya ang kinalabasan, nakapatong si Rhian sa akin.

"Glaiza ano ba ang ing-" biglang bumukas yung pintuan ko at nakita kami ni dad sa ganung posisyon! Oh my gosh! Ang tanga mo Glaiza, bakit hindi mo nailock. Naku naman!

"Dad! Let me explain!" Sabi ko. Naku naman baka kung ano ang iniisip niya.

"Sumunod kayong dalawa sa sala!" Utos niya. Andun din si Alchris, nakita niya din ang posisyon namin ni Rhian. Sinesenyasan pa nga ako ng "go lang ng go" kahit kailan talaga tong si Alchris.

"Tignan mo! Dahil sa pagiging clumsy mo, kung ano tuloy ang iniisip ni dad. Nakakahiya"

"Kasalanan ko ba kung nadulas ako?! I didn't mean it!" 

"Whatever. Halika na!" 

Agad kaming bumaba ni Rhian, at nakita namin si dad at si Alchris na nakaupo sa may sofa.

"Dad" pang tawag pansin ko.

"Maupo kayong dalawa."sabi niya.

"Glaiza, alam kong mag fiancee kayo. At naiintindihan ko kung sabik kayo sa isa't isa. Pero naman mga anak, huwag naman dito, tsaka hindi pa ito yung tamang panahon para diyan."

"Dad, walang nangyari sa amin ni Rhian. Ano ba?!" 

"Nakita ko kung ano ang nakita ko. Haizt. Ano na lang ang sasabihin sa atin ng mga Ramos?! Na hindi makapaghintay ang anak ko? Ayoko nun Glaiza."

"Dad naman eh! Rhian ikaw nga mag explain dito" baling ko kay Rhian

"Sir, wala naman po talagang nangyari sa amin ng anak niyo, nagkataon lang na nadulas po ako" paliwanag ni Rhian.

"Napakaclumsy mo kasi!" Sumbat ko sa kanya.

"Aba! Pasensya ah! Kasalanan ko ba kung nahulog yung kumot sa sahig? Bwisit to!" Oo nag babangayan kami sa harap nila, pero wala akong pakielam.

"Enough the two of you! Glaiza sa guest room ka matutulog, at ikaw naman Rhian, dun ka sa kwarto ni Glaiza. Ang ingay ingay niyo! Paano na lang kapag titira na kayo sa iisang bahay?! Lagi kayong magbabangayan?! Sige na pumasok na kayo at magpahinga."

Hindi na kami sumagot ni Rhian, kaya tumaas na lang kami.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Good morning tol!" Bati sa akin ni Alchris ng makababa ako. 

"Good morning din, si Rhian?" Tanong ko.

"Tulog pa ata tol eh. Pinagod mo ba nanan! Hahahaha" aba loko to ah.

"Al ah! Gago ka! Sapakin kaya kita. Sige puntahan ko lang yun" agad akong tumaas sa kwarto ko para tawagin na si Rhian na kumain, pero ang himbing ng tulog nito.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now