Chapter 6

74 4 3
                                    

-Roshiel Darika De Silva-

Sobrang bilis ng araw. Parang dati, crush ko lang si Ace. Ngayon mahal ko na sya. Parang dati lang, malayo sya sakin.. Ngayon, lagi ko na syang kasama..

Parang dati, one sided love lang 'to. Ngayon... One sided pa din. Ang saya diba hehe.

"Uy, Rosh. Tulala ka nanaman. Na-type mo na ba yung pinapatype ko sayo?" Sambit ni Ace.

"Oo! Kahapon pa." Inirapan ko sya.

"Aba. Wag mo 'kong irapan." Tinignan ko nalang sya ng masama.

Ilang araw pa pala bago matapos ang OJT ko. Medyo nakakalungkot kasi malalayo ako kasi Ace. Well, malayo naman talaga sya sakin kahit anong gawin ko e.

"Rosh, sama ka?" Biglang tanong nya.

Napaangat naman ako ng tingin.

"Saan?"

"Birthday kasi ng kaibigan namin. Si Elaine. Gusto mo bang sumama?" He smiled.

Is this uh... Considered as a date?

"S-sure." I stuttered.

"Okay. I'll pick you up later." He winked at me.

Tumango lang ako sakanya at binalik ko ang tingin ko sa laptop ko.

Tapos ko na naman din ang pinapagawa nya sakin kaya nag-open ako ng Facebook account ko.

Napakunot ako ng noo nang makita ko na andaming friend requests,messages at notifications.

Teka.. Anong meron?

Una kong clinick ang messages. Nakita ko kaagad ang pangalan ni Phoenix.

Phoenix Albright: Hey.

Roshiel Darika: Yes?

Phoenix Albright: I miss you. :(

Seen√

"Rosh, paayos naman." Turo ni Ace sa necktie nya.

Tumayo ako at lumapit sakanya. I grabbed his necktie.

Medyo nanginig ako dahil hindi ako sanay na malapit sya sakin.

Hindi ako tumitingin sa Mata nya.

"Hey? Why are you shaking?" He asked.

"Sorry." I murmured.

Nang maayos ko ang necktie nya ay tumingala ako sa kanya.

Our lips almost touched. Buti nalang maliit ako.

I was stunned for a moment. Lumakas ang tibok ng puso ko.

I felt him froze for a while.

Ilang segundo kaming nagkatitigan.

"Hey bro---oh sht." Nang may marinig akong boses ay agad kong tinulak si Ace.

I felt myself blush. Ugh. Nakakahiya.

Ace cleared his throat.

"What do you need?" Tanong nya sa kakapasok lang na si Sir Brent.

"Ihahatid ko lang sana 'tong papers na pipirmahan mo." Sir Brent smirked. He looked at me agad naman akong umiwas ng tingin. Ugh!

"Okay." Ace said, coldly.

"Is she your girlfriend?" Sir Brent asked.

Napatingin ako kay Ace.

"Nope. She's a friend."

Tumalikod ako at umupo na.

Assuming really hurts.

Out of Reach Where stories live. Discover now