Chapter 4

91 7 2
                                    

-ROSHIEL DARIKA-

Dalawang linggo ko nang di pinapansin si Phoenix dahil sa sinabi nya. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Alam kong pinagt-tripan nya lang ako pero di ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis at kaba.

"Rosh, pa-type naman nito." Sabi sakin ni Ace. Diba nga, nago-OJT ako ngayon?

Pagkakuha ko ng papel ay nagkadikit ang kamay namin. Pakiramdam ko ay may kuryenteng dumaloy.

Medyo napapitlag ako. Tinignan ko kung may reaksyon ba sya, pero wala.

Yung may naramdaman kang sparks, pero sya wala. Ang cute diba?

Tahimik lang akong nag-type ng pinapagawa ni Ace.

Medyo sumakit ang mata ko kaya tumigil ako saglit. At kumurap kurap.

"You can rest, if you want. Mamaya ko pa naman kailangan yan. Pwede ring bukas." Sabi ni Ace. Gosh. Ang manly talaga ng boses nya.

Pansin ko nga na madalas na nasa office si Ace. Dati naman ay di sya ganoon.

"Sir, would you mind if I ask you why are you always here?" Magalang kong tanong sakanya.

"Siguro kasi, office ko 'to?" He sarcastically said.

Napasimangot ako sa sagot nya.

"I mean, dati naman di ka ganyan diba?" Medyo nakakapagtimpi pa ako.

"I'll tell you but keep this a secret." Tumikhim sya.

I nodded. Pero kinakabahan pa din ako sa sasabihin nya. Pakiramdam ko ay masasaktan ako sa sasabihin nya.

"Si Gwen kasi.. Aalis na sya. For some reason, kailangan nyang umalis. And I wanna move on." He sighed.

Wow. Galing ng instinct ko.

Pero---  aalis na si Gwen?

"If that's the case, forget her. Para di ka na masaktan." Sagot ko.

Ang selfish mo, Rosh.

Can't I be selfish for once?

"I--i can't. She needs someone right now. She needs a friend. She needs me." He sighed.

I still managed to do my work kahit pakiramdam ko maiiyak na ako.

"Madami naman kayo diba? Di lang naman ikaw kaibigan nya." Sagot ko. I know that this is wrong. So damn wrong.

But you commit mistakes when you are in love right?

"I want to be there for her. I'm still hoping that she'll love me back." Medyo nanginig ang boses nya.

Gusto kong harapin si Ace pero natatakot ako. Natatakot akong makita na yung taong mahal ko, umiiyak dahil sa mahal nya.

"That's your choice. But... Know when to fight and when to give up. Alright?" I smiled.

Ang galing ko. Nakakapag-advice pa ako sakanya.

"Thanks. Buti nalang nag-OJT ka dito. Nagkaroon ako ng instant friend." He chuckled.

Humarap ako sakanya dahil nasigurado ko na di na sya umiiyak.

Gulo-gulo ang kanyang mga buhok. Hay. Ang gwapo talaga.

"Tapos mo na?" He asked, pertaining to the work he assigned me to do.

"Nah. Gutom na ako e. I'll just take my lunch. This is just quick." I assured him.

"Oh. Alright." He smiled.

"May papabili ka ba or anything?" Tanong ko sakanya.

"Nah. I'm okay. May gagawin pa kasi ako e." Sagot nya.

Maaga pa naman. Pero masamang malipasan ng gutom.

************

Pabalik na ako sa office ni Ace nang may makita akong nag-aabang sa may tabi ng pinto.

Si Phoenix.

Huta. I'm dead. I'm so dead.

Tinignan ko lang sya at bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan nya ako.

"I'm sorry." He said. Napairap naman ako.

"Sincere ka talaga o you're just saying that because you are guilty?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Sincere. Sorry. I didn't mean those words." Bumuntong hininga sya.

Yes, you didn't mean to say those words pero tagos yung naramdam ko. Kasi totoo.

"Pero, yung last chat ko sayo, totoo yun." Tinitigan nya ako sa mata.

"Alin dun?" Kunware di ko alam.

"Yung sinabi ko. Yung chance." Napalunok ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"You know I like Ace." Ginantihan ko sya ng tingin sa mata.

"Yes, I do. Baby, believe me I clearly know that. This is your fault, anyway. Na-love at first sight ata ako sayo." Medyo natawa sya.

Sasabihin ko sana na di totoo ang love st first sight. Kaso naalala ko, ganun fin pala ang nararamdaman ko kay Ace. Na-love at first sight ako sakanya. High school pa lang ako nun at ngayon? 4th year college na.

"Then stop. Pigilan mo ang sarili mo. Kaya pa naman yan. 3 weeks palang tayong magkakilala." Mariin kong sabi sakanya.

"Oh no, baby. You can't control your feelings. O baka pwede naman pero di mo kaya." He said. Parang nakikipagtalo pa sakin.

"You can." Angil ko sakanya.

"Nah."

"You can." This time, tinignan ko sya ng masama.

"Sige na, why can't you stop loving Ace?" Sumeryoso ang tinig nya.

Napaatras naman ako. Totoo naman kasi.

"That's because matagal ko na syang mahal! I can't just stop loving him." Medyo tumataas ang tono ng pananalita ko.

"Bat di mo pa tinigilan noong una? Nung maaga pa. Sige nga." Sht. Bat ba lahat ng lumalabas sa bibig nya, totoo?! Nakaka-bwisit e.

"Ano bang pake mo kung mahal ko sya?!" Bulyaw ko sakanya. Hooo. Buti nalang di ako masyadong maririnig ni Ace. Sana.

"Yun naman pala e. Wala ka ding pake kung gusto. Respect my feelings and I'll respect yours too." Nakakainis yung logic nya! Grabe!

"Fine! Bahala ka!" Inirapan ko ulit sya.

"O, Ano 'to LQ?" Biglang lumabas ng office si Ace.

Nanlamig ako nang makita ko sya.

Phoenix smirked.

"N-no! Hindi 'to katulad ng iniisip mo." Pigil ko sakanya. Baka magselos e. Ay joke. Wala nga pala syang pake sakin.

"Okay lang. Ako nga, nag-share na ng story ko sayo diba? Wag kang mag-alala, ako mismo sasapak dito sa pinsan ko pag sinaktan ka nya." Ace winked at me.

"Wow ha. Ako pa ang mananakit? Baka naman---" Pinigilan ko na si Phoenix sa sasabihin nya.

"Naku, wag mong pansinin yan si Phoenix. Sige, sir. Kain ka na." Ngumiti ako ng plastic.

"Sabi naman sayo, sir pag nasa office pero Ace nalang pag nasala labas." Sabi nya.

Tumango nalang ako para makaalis sya.

"Bye babe." Bulong ko. Na di ko naman inaasahang maririnig pala ni Phoenix.

"Wow. Sir pag na ka harap, babe pag nakatalikod." Sabi niya.

Ugh! Leche talaga.

--------------
A/N: Oh ano na guys? Ace pa din ba o ginugulo na kayo ni Phoenix? :)))))

Out of Reach Where stories live. Discover now