Six.

4 0 0
                                    



MADALAS akong sumama sa grupo ni Miller. Dapat nga ay mailang ako dahil bukod sa nag-iisang babae ako ay malakas makahatak ng atensyon ang mga lalaki. Perks of being a football player, huh.

Umusog si Quintin sa inuupuan nang mamataan akong pumasok sa cafeteria. Kumaway agad si Zivan na siyang nagpalingon sa ibang kasama. Nagkatinginan kami ni Miller.

"Yulan.." bati nila, at least, tama ang pagkakabigkas. Simula nang maipakilala ako ni Miller sa kanila ay hindi na sila nagkakamali. Hula ko ay kung nabasa nila ang pangalan ko ay ibang pagbigkas ang masasabi nila. Silent "u" ang pagbigkas sa pangalan ko. Simpleng "I-lan"

"Yulan" ang karaniwang binabanggit nila o di kaya'y "ulan". Madaming nagkakamali dahil sa pinaarteng spelling. Kahit ako hindi ko padin naiintindihan kung bakit ganoon ang pagbigkas doon. Ayaw ko ng pangalan ko pero iyon ang naisip nila Mommy kaya wala na akong magagawa. Ayon kay Mommy, ang bigkas daw kasi sa 'u' ng mga Chinese ay 'ee' kaya ginawa nyang Yulan ang pangalan ko. I find it weird though. May 'Y' naman kasi kaya dapat iba ang bigkas pero ipinilit ni Mommy na ganoon ang pagbigkas sa pangalan ko. Silent Y daw kasi yun. Ayaw kasi niya na magsisimula ang pangalan ko sa 'u'. Wala nang nagawa si Daddy doon. Mabuti at hindi ako pinangalanan ni Mommy ng ABCD o kahit anong weird na pangalan.

"Dito ka." si Miller at tumayo para paupuin ako. Sa pagitan niya at ni Vani. May mga pagkain na ang iba pero si Miller ay hinihintay ata ako.

"Hindi ka pa umoorder?" bulong ko dahil may kung anong pinag-uusapan ang tropa niya at mukhang seryoso.

"No, I'm waiting for you. Why do you need to whisper?"

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero natikom nang madaan ang tingin ko sa kabilang lamesa.

From there, Gerome and a girl were seating together. Gerome's eyes remain focused on me while the girl beside him is comically telling a story. I know from there that he might be thinking that I actually cheated at him and that the rumor is true. I don't really care. I'm too tired of dealing with him.

"Yulan?"

I snapped back on my reveree and look at his piercing eyes. "Let's order?"

Sabay kaming tumayo ni Miller. May ilang bumati at naghigh five sa kanya habang papunta kami para umorder.

"Ito lang kakainin mo?" tanong nito nang kumuha lang ako ng fresh fruits at macaroni salad.

"Yeah. I'm not hungry so..."

"Pero baka magutom ka.." kumuha siya ng sandwich at itinabi sa pagkain ko. "In case."

Tumango nalang ako at hindi na nakipagtalo.

Sa lamesa ay hindi maiiwasan ang usapan tungkol sa babae. Well, boys. Noong una ay sinasaway ni Miller dahil nakakahiya daw sakin, pero kalaunan ay nasanay na ako kaya hinahayaan nalang. Hindi din papaawat ang mga ito sa pagkain. Para bang palakasan ng pagkain ang nagyayari dahil dalawa o tatlong extra rice ang kinukuha ng mga ito. Paliwanag nila ay kailangan nila iyon sa praktis.

All is well. Masaya ako sa bagong kaibigan ko. Well, I still wish I can bond with a girl but being with them is a lot to take in. I admit, I really enjoy their company.

So I didn't notice some piercing eyes directed to me. Napansin ko lang iyon nung isang klase dahil pinag-uusapan ako ng mga babae.

I want to roll my eyes. Bubulong bulong pero rinig naman? Nanandya? So unprofessional and pathetic.

Kaya nang maabutan ko silang nakabantay sa hamba ng pintuan ng CR ay hindi na ako nagulat.

What can I expect, right?

DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon