Five.

5 0 0
                                    

Sweet

KURYOSONG mga mata ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa field. Pinaupo niya ako malapit sa mga pagkain na nakalagay sa basket. Kumuha siya ng isang egg pie at gatorade at inilahad sakin.

"I'm fine. These are all for you and your teammates." tanggi ko at nag-aalangang kinuha ang ibinigay nang ipilit niyang iabot.

"It's okay. We have spare here.." umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. "Eat up."

Halos di ko malunok ang pagkain dahil panay ang tingin niya. Napalingon kami sa kasamahan niya nang may pumito.

Sumenyas ang may katangkarang lalaki sa katabi ko. Tumuwid ng upo si Miller saka binalingan ako. "Dito ka lang. Tawag ako ni Sir Coach."

Nakakunot lang ang noo ko habang pinagmamasdan ang likod niya. Sino? Sumulyap ng isa si Miller sakin habang kinakausap siya ng masinsinan ng lalaki. Maya maya, sabay silang lumapit sa gawi ko.

"Coach, si Yulan." inakbayan niya ang lalaki. "Yulan, Coach ko. Mas gwapo naman ako dito, diba?"

Pabirong sinikmuraan siya ng coach saka naglahad ng kamay sakin. Kaagad ko itong kinuha at kita ko ang pagpirmi ng tingin ni Miller doon. "Cleimus Dylan Santiago. Sir Coach ang tawag sakin ng mga estudyante. Bukod kasi sa coach ako ng soccer team, nagtuturo din ako ng basic Geometry."

That explains why he looks so familiar. Isa siguro ito sa pinakilala noong general assembly para sa mga bagong guro ng unibersidad.

"Ah coach tama na yan." hinila ni Miller ang collar nito sa likod. Natawa ang huli.

"Ang seloso mo! Mag-ingat ka at baka iyan pa ang maging dahilan ng paghihiwalay nyo!"

Napalunok ako sa narinig. Hindi dahil sa napagkamalan niyang may relasyon kaming dalawa.... What he said hit something. That's my issue with Gerome!

Mukhang napansin naman ito ni Miller kaya binawal niya ito pero nagsalita pa din ako. I don't know. I feel like I need to depend girl's flag.

"Hindi naman po sa ganoon. Pakiramdam kasi namin na walang tiwala yung lalaki kaya kami nakikipaghiwalay."

Nagkibit ito ng balikat. "Kung sabagay. You have a point. Siguro okay pa sa umpisa pero kapag paulit ulit at sobra na? Nakakasawa na..."

That's what I felt. Nakakasawa nang magpaliwanag. Nakakasawa nang makipagtalo. Maybe it's a lesson to us?

Naging busy naman na sila kaya pinagsawa ko na lamang ang paningin sa panood ng paglalaro nila. I'm not actually familiar with soccer so I attentively watched to their games.

Miller seems so good manipulating the ball using his foot. Siya ang palaging gumagawa ng aksyon then ipapasa niya sa kasamahan kapag nakalagpas siya sa kalaban. Sa panonood ko ay may napansin ako. Una, si Miller ang utak ng grupo. Yung lalaking may number 14 naman ang taga tira sa goal. Yung nakajersey ng 69 ang palaging nakakaagaw ng bola sa kalaban, pagkaagaw ay saka niya ito ibibigay kay Miller, at ang naka number 34, 23, 16, at 6 ang taga agaw at taga pasa ng bola. Syncronize ang galaw ng apat, para bang may sarili silang desisyong apat kung paano isasagawa ang plano para makuha ang bola. Syncronize pero may pattern. Hindi pareparehas pero may sinusundan. It's hard to explain but, it's only my observation. I'm not really familiar with the game. Yung lalaki naman kanina, si Vani, ay ang goalkeeper nila.

DaybreakWhere stories live. Discover now