Three.

1 0 0
                                    

Not priority

SINALUBONG ako ni Gerome nang pagbagsak ng makapal na libro sa lamesa. Mabuti nalang at wala nang tao sa library, kung mayroon man ay nasa malayo. Mabuti din dahil wala ang librarian kung hindi ay napagalitan na kami.
Maiirapan ko nanaman ang matandang hukluban.

"Gerome." babala ko dahil padabog din itong umupo.

"Ano 'tong nababalita ko na may umaaligid na soccer player sayo? Diba sabi ko, stay away from boys?"

I was about to depend myself when he raise his hand, stoping me from speaking. This is what I hate about Gerome. He never listen. He always jumped into conclusion. I'm surprise na kami pa din. He's sweet, alright. But he's too busy. Given the course he's studying, Medicine. I accepted the fact that I'm not his priority but can he give me the right to do what I want? He always has a say to everything. Parang lahat ng ginagawa ko against sa kanya. Lahat pinupuna niya. Lahat mali para sa kanya.

And so I wonder.... Can I still continue this shaky relationship? I'm tired, to be honest. Palaging ako nalang ang nagpapasensya.

Okay so, can I get rid of all the boys who's trying to get my attention? No. But I don't want to be rude too. You see, I don't have girl friends and boys...they talked to me. I always wanted to have a friend. So I thought, maybe girls are too insecure to be my friend so I can find my own in guys? In fact, they are more funny. Less drama. Walang arte sa katawan. Mga gago at maloko nga lang.

But Gerome hates that. He felt threatened.

"Maybe we should stop." I voice out my thoughts.

"What?" hindi siya makapaniwala. I dropped my gaze because I felt guilty.

I admit, madami akong pagkukulang. I loved him. He's my first love. But I want my freedom. We're too different, ang hirap pakibagayan.

Ang pagod na mata nya ay nanatili sakin. Pero nawala ag pagkaawa ko nang magsalita ito. "So you're leaving me to get to that guy?"
"Anong sabi mo?"
"Fine! Let's break up! Go to that asshole. I don't need you here!"

Nanginig ang kamay ko at parang gusto kong ilapat sa pisngi niya. And that's what I did. Pumaling ang mukha nito sa kabilang direksyon at namanhid naman ang kamay ko.

"For 2 years, Gerome. I was faithful! Why can't you trust me?" naiiyak ako at naiinis. Gusto kong manakit! Iyon ang totoo. I'm hurt because he never trusted me! Bakit niya ako inaaway kapag nagseselos siya? It's because he never trust me! Natatakot siyang kumaliwa ako at hindi sapat ang pagmamahal ko para doon. My love isn't enough for assurance.

Iyon ang totoong dinidibdib ko.

So why keep this relationship if we don't have trust with each other? Love. Trust. Communication. That's the three important things in a relationship. And we only have love. Pero hindi iyon sapat.

Lumabas ako ng library at sa locker ibinuhos ang frustration. Paulit ulit ko itong pinalo hanggang sa mapagod ako. Nainis ako lalo nang nagsituluan ang luha ko. Nagpakawala ako ng hikbi. I want to go home.

This is the worst day! I have this kind of turn of events. I hate this when I lose control of my emotions. I feel weak and pathetic.

Suddenly I feel like I wanna go to Dad and ask to kill all the boys in this school.

Well, that's too brutal.

Suminga ako sa tissue at naghilamos ng mukha. I'm done for today. Fuck schools and paperworks. Bahala na ang grupo kong gumawa. Malaki ang binayad ko sa thesis namin so I know they won't remove me from the group. Mga baliw kasi at gusto ng experimental. Edi sige, magpakapagod sila sa thesis. Basta ako magbabayad at magpapasa kung may kailangan sila. Wag lang nila akong madaliin at makakatikim sila.

Napahinto ako nang makita ko ang lalaking nakahilig sa hood ng sasakyan ko.

Napaaapo ako ng ulo. Nalukot ang mukha. Isa pa 'to.

"Hi!"

Hindi ko ito pinansin at pinatunog lang ang sasakyan. Sumakay ako at pabalibag na sinarado ang pinto pero ang lalaki, sumenyas na sandali lang.

Napakunot ang noo ko.

May kinuha ito sa motor na katapat ng sasakyan ko. Maliit na box. May kung ano siyang sinulat sa papel at inilapag iyon sa hood ng sasakyan ko. Ngumisi ito bago dumeretso sa motor niya at bago ito umalis, sumaludo pa ito at nagbigay ng malawak na ngiti.

Bumaba ang mata ko sa container.

Sa huli, matapos ang madaming pag-irap at pag-iisip, lumabas ako para kuhanin ito.

Homemade Kimchi. Iyon ang nakasulat. Para daw sa babaing malungkot.

Paano nito nalaman na kumakain ako nito? At ganoon na lang ba kahalata na umiyak ako?

DaybreakWhere stories live. Discover now