Four.

2 0 0
                                    

Trash

After you drop a thing , you won't pick it up anymore. Madumi na yon. So, go straight to the trash can. Mas bagay iyon doon. I consider it a trash, anyway.

That's what I did.

Kapag nabitawan mo na at nalaglag sa sahig, pabayaan mo na. In the first place, bakit mo mabibitawan? Kasi, hindi worth it? Nadulas? Binitawan at sinadya? Kahit anong rason pa yan, basta't nakawala, dapat hindi na kinukuha ulit. Same application in life. Kapag naghiwalay, edi tapos!

Kaya nga tinawag na ex.

Tumambay ako sa gilid ng soccer field. Sa lilim ng puno. Sumalampak ako at napatulala. Usually, I would prefer to stay at the library or in the bench, but I want a piece of mind so I end up here.

I didn't even flinch when I sat on the grass.

For Goodness' sake it's dirty!

May naglalaro. Mukhang sila Miller pero hindi ko siya makita. I close my eyes when I remember my last conversation with Gerome. Miller. He mentioned him.

I can't pretend that I'm okay now. It's still here. I still love him. Pero may mga bagay na kailangan mo nang pakawalan.

Hindi ako gumalaw nang may umupo sa tabi ko. For some reason, I got conscious pero hindi ko pinahalata. The masculinity of his smell hit my nose. I always wonder if his smell is like that the first time we met or I'm just too conscious now to ever think of that.

"Are you okay?" his question tells me that he knows. I didn't answer him.

"You want to talk about it?"

"Do you think I would like to?" may pagkainis na sagot ko. Nakita kong natigilan ito saka natetense na nagpunas ng kamay sa short nito.

"I just thought you want to. Sorry, I'm not good on comforting someone."

"Did someone told you to comfort me?"

"N-no."

"And is it your obligation to comfort me?"

Bumuka ang bibig nito pero sumara din.

"Kainis.."

"I-I just want to help-"

"I didn't need your help, okay?!" sigaw ko. "SO LEAVE ME ALONE!"

Parang may kumawala sa dibdib ko pagkatapos ko sumigaw. Wow. I never thought it would be very effective to calm myself down.

Pero kasabay noon ang guilt.

But I mange not to show it to him.

Natahimik siya. Iniiwas ko nalang ang tingin dahil mas lalo akong nagiguilty sa pagkatulala niya. Maya maya ay tumayo na ito. Nanikip ang dibdib ko dahil umalis itong hindi nagpapaalam.

The next day I went to the soccer field. Tumambay ulit ako sa puno at naghintay.

Pero hindi siya dumating.

Nakikita ko siya sa field, seryosong nagpapractice. One time I saw him yelling at his group mates. I don't know what happened but I know he's the captain so he must be reprimanding his group for that.

Umabot ng one week ang pagtambay ko sa puno. And I can't believe that I came up with a ridiculous idea.

Saying sorry to him.

What the fuck, right? I don't say thank you, how much more in admitting my mistakes?

Napasapo ako sa ulo. This is kinda hard. Should I continue?

No. I backed out. Ayaw ko na.

No, no, no. That's so stupid of me to think about that.

Really, stupid.

Nawala ako sa iniisip nang may tumayo sa harap ko. Kumabog ang dibdib ko at nag-angat ng tingin.

Hindi ko alam kung nahalata ba ng lalaki na bumaba ang balikat ko nang makitang hindi si Miller ang inaasahan ko.

"Hi." the guy said.
"Yes? Do you need something?" mataray kong tanong na siyang ikinagulat niya. Tinitigan niya ako ng mabuti, parang 'di makapaniwala.

"You want to stay at the bleachers, instead? I just notice that you always stays here. Mas maganda doon. Para makapanood ka na din ng game. Baka matamaan ka ng bola dito."

I was actually thinking of his offer when someone yelled.

Tingin ko ay sumakit ang lalamunan ng sumigaw na iyon.

"VANI DEFERAL COME BACK HERE!!!"

Wala pang ilang minuto ay may humigit na sa lalaki palayo sakin. I saw Miller collared the poor guy. Nataranta ako kaya tumayo ako para pigilan siya.

"Miller, don't! Relax."

Itinapon niya ang lalaki. Mabuti at malaki din ang katawan nito kaya hindi gaanong naitulak ni Miller. Galit niya akong tinignan pero ang mga mata ko ay nanatili sa lalaking nakangisi ngayon sa amin.

Kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa?

"I am talking to you!" napalundag ako sa lakas ng boses ni Miller. "Dont flirt with my teammates! Nag-eensayo kami kaya pwede bang umalis ka na?!"

Napaatras ako at lahat ng tapang ko ay parang humiwalay sa kaluluwa ko. Nanliliit ako sa galit niyang mga mata. Para bang kapag nagalit ito ay kasalanan ko talaga.

All I saw is the indifference in his eyes. Flirting? Heto nanaman ba? Palagi nalang ba? Mukha ba talaga akong malandi at palagi nila iyang idinidiin sakin?

A foreign feeling build up in me...

And to my surprise, I sobbed.

"Oh fuck!"

May narinig akong tumawa. I found that guy Vani laughing so I gave him a death glare. Napasapo ako sa mukha pagkatapos at sinubukang ikalma ang sarili pero mas lalo akong naiyak nang may maramdamang kamay sa baywang ko.

"Hey, hey.." alo ni Miller saka idinantay ang mukha ko sa dibdib niya. Narinig ko kaagad ang mabilis na pintig ng puso niya. "Stop crying. I'm sorry. I didn't mean to shout on you. I'm just tensed because our game will be soon."

"Iyon nga lang ba?" I heard Vani butted in.

"Gago, lumayas ka na nga dito!" isinubsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya ng maglikot siya, siguro ay tinulak si Vani.

Patuloy lang niyang hinahagod ang likuran ko. Tumigil naman na ako sa pag-iyak, pero ang mabilis na pagkabog ng puso niya ay nandoon padin.

"Okay ka na?" maingat nyang tanong. Tumango ako at dahan dahang lumayo sa kanya. Seryoso niya akong tinitigan bago ipinalis ang natirang luha sa pisngi ko. Yumuko siya para makuha ang mga gamit ko at hinawakan ang kamay ko para hilahin.


Papunta sa soccer field.

DaybreakWhere stories live. Discover now